Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center

Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center An online platform which goal is to extend health information to our fellow Leyteños through social media.

23/08/2025

‼️KASO NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE, PITONG BESES NA MAS MATAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2024‼️

Sa tala ng DOH as of August 9, 2025, pumalo na sa 37,368 ang kaso ng Hand, Foot and Mouth disease o HFMD – mas mataas ito ng higit pitong beses kumpara sa 5,081 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Kalahati sa mga naitalang kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pwedeng makuha kung humawak sa mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan.

Payo ng DOH, sakaling magkaroon ng mga sintomas ang isang bata ay panatilihin muna ito sa bahay nang pito hanggang sampung araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.

Mahalaga rin na ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong maysakit na HFMD at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant.

Facebook Link: https://web.facebook.com/share/p/19Yi86WFNP/





20/08/2025

MAG INGAT SA PARALYTIC SHELLFISH POISONING!

Public Advisory No. 2025-031 | August 20, 2025

Pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EV CHD) ang publiko na maging alerto at mag ingat laban sa Paralytic Shellfish Poisoning (PSP).

Base sa Shellfish Bulletin No. 16, series of 2025 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang Matarinao Bay sa Eastern Samar ay kabilang sa mga karagatang mayroong Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Ang pagkain ng seafood na kontaminado ng mga lason mula sa Red Tide ay maaaring magdulot ng isang malubhang sakit na Paralytic Shellfish Poisoning (PSP). Ang mga sintomas ng PSP ay maaaring lumitaw sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras matapos ang pagkonsumo ng mga seafood kabilang na ang sumusunod:

• Pangangati at pamamanhid ng mga labi, dila, paligid ng bibig o mukha at
mga dulo ng daliri.
• Pricking sensation o pagkaparalisa ng mga kamay o paa
• Mabilis na tibok ng puso
• Pagkahilo at pananakit ng ulo
• Hirap sa pagsasalita, paglunok o paghinga.
• Maaaring mayroon ding pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae.
• Sa malalang kaso, maaaring magdulot ito ng pagkaparalisa ng kalamnan at kamatayan, kung hindi agad magagamot

Samantala, ang panganib ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng;

1. Pagiging mapanuri sa kalidad ng isda na binibili sa palengke at sa mga lokal
na naglalako ng isda.
2. Kapag may babala ng shellfish ban sa lugar, iwasang kumain ng shellfish, alamang, at maliliit na isda. Huwag itong ipakain kanino man kabilang na ang mga hayop upang matiyak ang kaligtasan.
3. Kapag may Local Red Tide Warning naman, hugasan nang maigi gamit ang running water, tanggalin ang hasang, at lamang loob ng isda, pusit, alimango, ulo ng hipon, atbp. Siguraduhing lutuin ng mabuti ang mga ito.
4. Magtungo sa pinakamalapit na health center kapag nakaramdam ng alinman sa mga sintomas na nabanggit.

Agad na makipag ugnayan sa DOH Health Emergency Management Bureau (HEMB) at DOH EV CHD para sa alinmang ulat o report patungkol sa mga insidenteng may kinalaman sa shellfish poisoning.

Sa huli, pinapaalalahanan ang lahat na laging basahin at sundin ang mga abiso mula sa BFAR at Department of Health (DOH) upang patuloy na mapangalagaan ang ating kalusugan.

19/08/2025

❗️TUBERCULOSIS PREVENTIVE TREATMENT, NAPATUNAYANG EPEKTIBONG PROTEKSYON SA TB❗️

Ang Tuberculosis Preventive Treatment o TPT ay isang gamot na ibinibigay sa taong na-expose sa isang Tuberculosis (TB) patient.

Mabilis ang transmission o pagkalat ng TB dahil maaaring maipasa ito sa pag-ubo, pagbahing at pagdura.

Ang TPT ay napatunayang mabisa at ligtas na paraan para maprotektahan ang mga high-risk individuals at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang TPT ay available sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




18/08/2025
16/08/2025

Get your blood pressure checked at least once a year and understand what the numbers mean. Severe high blood pressure combined with symptoms such as chest pain or trouble speaking may be a hypertensive emergency, according to the new high blood pressure guideline, and you should call 911 immediately.

15/08/2025
15/08/2025

Payo ng DOH:

✅ Planuhing mabuti ang pagbubuntis na naaayon sa iba’t ibang konsiderasyong may kinalaman sa kalusugan at maayos na pamumuhay ng pamilya.

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado.




13/08/2025

Condoms prevent most sexually transmitted infections (STIs), including HIV. Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) prevents HIV but not other sexually transmitted infections.

Choose both for maximum protection!

Address

Brgy. Poblacion
Leyte
6533

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center:

Share