
14/01/2025
πππππππ πππ πππππππππ: πππππππππππ ππ!
Public Health Advisory No. 2025-002 | January 9, 2025
Hinihikayat ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na magpabakuna laban sa trangkaso upang maprotektahan ang sarili at pamilya. Ngayong panahon ng flu season, mahalaga ang pagpapabakuna para manatiling ligtas at mabawasan ang pagkalat ng trangkaso sa inyong lugar.
Ang mga bakuna kontra trangkaso ay makukuha sa mga health centers sa buong rehiyon. Sa pagpapabakuna, maiiwasan ang matinding sintomas ng trangkaso, mababawasan ang panganib ng komplikasyon, at mabibigyan ng proteksyon ang mga pinakamahina, tulad ng mga nakatatanda at may karamdaman.
Pumunta na sa pinakamalapit na health center upang alamin ang iskedyul ng pagbabakuna at tiyaking makakuha ng flu shot habang may suplay pa.
Magkaisa para sa kalusugan ng lahat β magpabakuna na laban sa trangkaso ngayon!