RHU Libungan

RHU Libungan Municipal Health Service Office

04/09/2025
Libreng Bakuna para sa Malusog na Kinabukasan! ✨💉Ang Rural Health Unit (RHU) Libungan, katuwang ang lahat ng Barangay He...
29/08/2025

Libreng Bakuna para sa Malusog na Kinabukasan! ✨💉

Ang Rural Health Unit (RHU) Libungan, katuwang ang lahat ng Barangay Health Stations sa ating bayan, ay nagbibigay ng libreng Immunization services para sa lahat ng mga bata mula kapanganakan hanggang 1 taon gulang sa ilalim ng National Immunization Program (NIP).

📍 Ang serbisyo ay nakatakda buwan-buwan sa bawat Barangay Health Station upang masigurong abot-kamay ang bakuna para sa lahat ng batang Libunganon.

👉 Ayon sa Department of Health (DOH), mahalaga ang pagpapabakuna upang:
✅ Maprotektahan ang mga bata laban sa nakamamatay na sakit gaya ng tigdas, polio, TB, atbp.
✅ Mabigyan sila ng ligtas at masiglang paglaki.
✅ Makapagtatag ng malusog na komunidad at ligtas na kinabukasan para sa bawat pamilya.

Lubos ang ating pasasalamat sa walang sawang suporta ni Hon. Engr. Angel Rose L. Cuan, Municipal Mayor ng Libungan, at ni Dr. Nikki Regine Pader-Aying, RN, CFP, Municipal Health Officer, sa pagpapatuloy ng mga programang pangkalusugan para sa bawat mamamayan.

👶💚 Bakunado ang bata, protektado ang pamilya! Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan ng bawat batang Libunganon!

✨ Libre at Abot-Kayang Serbisyo para sa Mas Malusog na Pamilya! ✨Ang Rural Health Unit (RHU) Libungan, katuwang ang laha...
29/08/2025

✨ Libre at Abot-Kayang Serbisyo para sa Mas Malusog na Pamilya! ✨

Ang Rural Health Unit (RHU) Libungan, katuwang ang lahat ng Barangay Health Stations (BHS) sa ating bayan, ay patuloy na nagbibigay ng libreng Family Planning (FP) services para sa mga kababaihan na nasa gulang ng reproduktibo at nagnanais na magpaliban o magplano ng kanilang pagbubuntis.

👉 Ayon sa Department of Health (DOH) guidelines, ang Family Planning ay mahalaga upang:
✅ Maprotektahan ang kalusugan ng mga ina at kanilang magiging anak.
✅ Maiwasan ang high-risk pregnancies.
✅ Makapagbigay ng mas maayos na pamumuhay at mas magandang kinabukasan para sa pamilya.

Lubos kaming nagpapasalamat kay Hon. Engr. Angel Rose L. Cuan, Municipal Mayor ng Libungan at kay Dr. Nikki Regine Pader-Aying, RN, CFP, Municipal Health Officer, para sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa kalusugan ng bawat Libunganon.

Gayundin, taus-pusong pasasalamat sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pamumuno ni Dr. Eva C. Rabaya, at sa masigasig na liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pagbibigay ng Family Planning Kits para sa mga New Acceptors.

👩‍👩‍👧‍👦 Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog, masaya, at planadong kinabukasan para sa bawat pamilya sa Libungan! 💚

‼️MOTHER-BABY FRIENDLY WORKPLACES AT HEALTH FACILITIES, MAS PINALALAKAS NG DOH‼️🤱 Alam mo ba? May mga programa na tumutu...
29/08/2025

‼️MOTHER-BABY FRIENDLY WORKPLACES AT HEALTH FACILITIES, MAS PINALALAKAS NG DOH‼️

🤱 Alam mo ba? May mga programa na tumutulong para gawing mas madali at ligtas ang pagpapasuso—mula sa mga workplace at health facility na may lactation rooms, hanggang sa support groups na handang makinig at magbahagi.

💗 Kaagapay ng mga ina ang DOH sa pagpapalakas ng mga programang ito para kalusugan ng Nanay at sa maayos na paglaki ni baby.




⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?Ito a...
29/08/2025

⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby


Ngayong Family Planning Month, atin nang itigilang mga chika at maling balita!✅ Ipanalo natin ang bawat pamilyang Pilipi...
29/08/2025

Ngayong Family Planning Month, atin nang itigil
ang mga chika at maling balita!

✅ Ipanalo natin ang bawat pamilyang Pilipino sa
pamamagitan ng tamang impormasyon at
pagpaplano.

Basahin ang larawan para sa tamang impormasyon.





Mommy, gaano nga ba kadalas dapat magpasuso? Simple lang ang sagot: sa tuwing gusto ni baby, at hangga’t gusto niya!Nari...
29/08/2025

Mommy, gaano nga ba kadalas dapat magpasuso? Simple lang ang sagot: sa tuwing gusto ni baby, at hangga’t gusto niya!

Narito ang ilang paalala:
⏰ Breastfeed on demand — pasusuhin si baby anumang oras niya gustuhin
👶 Karaniwang tumatagal ang pagpapasuso ng 20 minuto
📉 Habang lumalaki si baby, bumababa ang dalas at haba ng pagpapasuso

Tandaan: Ang madalas at tuloy-tuloy na pagpapasuso ay nakatutulong sa masaganang milk supply ng nanay.


‼️HOLIDAY ADVISORY ‼️ No Check Up
24/08/2025

‼️HOLIDAY ADVISORY ‼️ No Check Up

Kailangan mo ng space? Sa family planning, pwede ‘yan!✅ Ayon sa World Health Organization, mas mainam kung may pagitan n...
18/08/2025

Kailangan mo ng space? Sa family planning, pwede ‘yan!

✅ Ayon sa World Health Organization, mas mainam kung may pagitan na hindi bababa sa dalawang taon ang bawat pagbubuntis para sa kalusugan ni baby at ni mommy.

🏥 Kumonsulta sa healthcare worker para ibat’ibang uri ng family planning method.

Isang paalala ngayong Family Planning Month.




Payo ng DOH: ✅ Planuhing mabuti ang pagbubuntis na naaayon sa iba’t ibang konsiderasyong may kinalaman sa kalusugan at m...
15/08/2025

Payo ng DOH:

✅ Planuhing mabuti ang pagbubuntis na naaayon sa iba’t ibang konsiderasyong may kinalaman sa kalusugan at maayos na pamumuhay ng pamilya.

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado.




Address

Libungan
9411

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Libungan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram