Lihim sa Liham

Lihim sa Liham PISTANTHROPHOBIA

20/04/2023

Tula ng PAGMAMAHAL

Lahat tayo'y nabubuhay,
Na may pusong dalisay,
Gumawa Ng matiwasay,
At mabuhay Ng may saysay.

Mahalin ang magulang,
Maging ang kalikasan,
Gawa niya’y pahalagahan,
Nang bukal sa kalooban.

Diyos na naglikha tayo'y ginawa,
Upang bigyang halaga Ang kanyang gawa,
Ating buksan ang puso’t isipan,
At ipakita Ang tunay na pagmamahalan.

15/04/2023

GUSTO KITA

Salita na gusto Kong sabihin kahit huli na
Siyam lang na letra pero di ko agad nasabi sa knya
At Kung ngayon ko man ito sabihin
Alam Kong ito'y kanyang di seseryosohin

Bakit?
Dahil sa tingin mo ba'y ako'y paniniwalaan niya?
Paniniwalaan nya Ang kasinungalingan Kong dala
Na halos kami'y magsapakan na
Sa kabwisitan nyang pinapadala

Pero siguro kahit ito'y sabihin ko
Wala paring kwenta Ang pag amin ko
Kahit na ilang beses ko pa sa sabihin sayo
Maniwala ka man sa Hindi
Ako'y Nagkagusto sayo

Naalala ko pala
Bakit ngayon pa?
Nakaisip na umamin Sana sa kanya?
Ngayon na may bagong nililigawan na sya

Par, kung ito man ay iyong mababasa
At maisip mong ikaw na nga
Wag ka nlng magsalita
At magpanggap na di mo nabasa
Dahil itong pahinang ito ay nagtatapos na.

11/04/2023

SALAMAT SA LAHAT

Salamat dahil nakilala kita,
Salamat dahil nanatili ka,
Kahit tutol ang magulang ko sa relasyon nating dalawa,
Ipinaglaban parin natin kahit walang sumusuporta.

Salamat dahil may nabuong,Ikaw at ako,
Dalawang salitang kahit kailan hinding hindi na mabubuo,
Dahil ang dating tayo napalitan na ng kayo.

Pero kahit masaya kana sa iba,
Nandito parin ako pagkailangan mo ng suporta,
Nandito parin ako kahit hindi na ako,
Hindi na ako yung humahawak ng mga kamay mo,
Hindi na ako yung taong nagpapasaya sayo.

Pero salamat tayo'y nagtagpo,
kahit sandali lng nabuo ang salitang ikaw at ako,
Naging masaya ako,
Salamat nalang sa mga alalang kasama ako,
Salamat nalang sa mga panahong hindi ka sumuko..

11/04/2023

PAMILYA

Pamilya?
Kung iisipin ang pamilya ay buo,
Bat ung amin parang anino.
Oo para kaming anino
May sari-sariling mundo

Mga magulang namin ay strikto,
Minsan na ay nakakalito.
San ba'to mahihinto?
Kung tuluyang naba'ng nawasak ang ginto?

Hindi ba't ang pamilya ay masaya?
Hindi ba't ang totoong pamilya ay sama-sama?
Oo masaya kami sa litrato
Pero sa totoo,iba ang trato.

pagmamahal na kasinungalingan,
Walang kinikilingan.
Sarili lang prinoproptektahan
Mama, papa kayo ang aming kailangan.

10/04/2023

Kakapit pa o bibitaw na?

Kakapit pa ba o bibitaw na?
Ano nga ba ang magiging pasya?
Isip ay sobrang nagugulahan na,
Sapagkat mahal na mahal kita.

Ako pa ba sayo'y may halaga
Ako ba ay mahal mo pa?
Sa akin ba'y may pakialam ka pa?
O awa nalang talaga ang meron ka?

Matanong ko lang sayo sinta
Ako pa ba o may iba na
Ako pa rin ba sayo ang nagpapasaya
O may iba ng gumagawa?

Sa akin ba ay sawa na?
Ikaw ba ay pagod na talaga
At pag-suko ang nais mo sinta?
Sa akin ay sabihin mo sana

Kakapit pa ba o bibitaw na
Kung sa piling ko'y di kana masaya
Kung sa akin ay pagod na
At ang pagmamahal mo ay unti-unti ng nawawala?

Kakapit pa ba o bibitaw na?
Kung alam kong akoy di na mahalaga,
Kakapit pa ba o bibitaw na?
Kung alam kong ayaw mo na talaga.

Kakapit pa ba o bibitaw na
Kung alam kong may mahal ka nang iba
Kung sayo'y iba na talaga ang nagpapasaya
Kung hindi na talaga ako sinta

Ngunit aking napagpasyahan
Na pagbitaw ang kailangan
Upang di na sobrang masaktan
At di na lumalim ang sugat na naiwan.

PISTANTHROPHOBIA

Address

Namolan Toctoc Lingayen Pangsinan
Lingayen
2407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lihim sa Liham posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share