23/07/2025
Mag-imbak ng pagkain, tubig at gamot. Ingat, ingat kabaleyans.
RESOLUTION NO. 046, S-2025
๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐๐ง๐ ๐ข๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐ฌ ๐๐ก ๐ง๐๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐๐๐ก๐๐๐ฌ๐๐ก
Ngayong Hulyo 23, 2025, opisyal nang idineklara ng Pamahalaang Bayan ng Lingayen ang State of Calamity bunsod ng matinding pinsala dulot ng walang patid na pag-ulan, pagbaha, at epekto ng Habagat na pinalala pa ng nagdaang bagyong โCrisingโ.
Kaugnay nito, suspendido pa rin po ang klase sa lahat ng antas sa pambubliko at pribadong paaralan, gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno bukas, July 24, 2025, hanggang biyernes, July 25, 2025.
Gayunpaman, ang mga ahensya na may tungkulin sa pagbibigay ng pangunahin at iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa operasyon gaya ng kinakailangan.
Sa deklarasyong ito, mas mapapabilis ang paggamit ng pondo para sa agarang ayuda, paglikas,at pagbangon ng mga apektadong pamilya. Lahat ng yunit at ahensya ng gobyerno ay inatasang magtulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
PAALALA. Makinig sa opisyal na anunsyo, at makipag-ugnayan sa inyong mga barangay.
Para sa mga updates, tulong, at evacuation details, sundan lamang ang aming official page at makipag-ugnayan sa inyong mga barangay officials.
Mayora Iday Castaรฑeda