18/07/2025
Mga bagay na dapat natin maunawaan bakit hindi dapat mawala ang lokal na pagsasaka at tuluyan ng umasa sa imported na pagkain! Una ang mga Pilipino Farmers ay nagbibigay ng trabaho, ayon mismo sa world bank,ang agriculture sector ang may pinakamataas na porsyento (22.36%) na nag bibigay ng employment sa ating bansa. Tinalo pa neto ang mga pabrika at ibang sektor. Pangalawa pag dito sa atin na e produce ay nasa atin din napupunta ang mga by products kagaya sa bigas pag imported wala na ang darak ang darak ay isa sa pangunahing sangkap ng feeds na pagkain ng ating hayop. Pangatlo tau ay tropical country na akmang akma para sa pagsasaka madaming bansa ang nag yeyelo o sobrang disyerto mahirap magsaka pero pinipilit nila buhayin ang lokal na pagsasaka! Pero tayo lahat ng bentahe ay nasa atin na! Pang apat, mahirap tayo na bansa kung aasa tau sa imported madami sa mamamayan natin ay hindi kaya ang bumili lalo na pag tuluyang nawala ang lokal na pagtatanim at tumaas na ang presyo ng mga dati ay mababang presyo ng mga imported na yan! Mababa pa ang presyo nyan kc meron pa taung local pero pag nawala na ang local na produkto dahil tuluyan ng nalulugi ang farmers at wala ng pagpipilian ang Pilipino baka biglang tumaas na din ang presyo ng imported at madaming Pilipino ang magugutom! Pag isipan natin na mabuti ang bagay na ito habang may konting panahon pa! Baka isang araw magising na lang tayo na sariling pagkain na lang ang sinasaka ng nga magsasakang Pilipino at wala na ding mabili na murang imported, wag sana dumating ang ganong panahon dahil cgurado magkakaroon ng matinding taggutom! Ang solusyon: bilhin sa tamang presyo ang produkto ng Farmers, limitahan ang pagpasok ng inported na bigas mag import lang kung kinakailngan at wag na wag mag iimport sa oras ng anihan!!!