Segismundo - Uson Medical Clinic

Segismundo - Uson Medical Clinic 💙

18/07/2025

🎒DOH: IHANDA ANG INYONG GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA BINABANTAYANG LPA AT AKTIBIDAD NG BULKAN

Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility. Mataas ang tyansang maging bagyo ito sa susunod na 24 oras. Asahan ang kalat kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat dala ng patuloy na pag-iral ng hanging habagat sa buong bansa.

Nananatili naman sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon habang patuloy ring binabantayan ang tatlo pang aktibong bulkan sa bansa.

Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa anumang sakuna. Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga gamit na nasa loob nito.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911 at
📞DOH Hotline 1555, press 3

Bantayan ang latest reports mula sa NDRRMC, PAGASA, at PHIVOLCS sa mga link na ito:
https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/rainfall
https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-hazard/volcano-bulletin2



18/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




18/07/2025

❗️FILARIASIS — ISA PANG SAKIT NA DALA NG LAMOK NGAYONG TAG-ULAN ❗️

💡 Bukod sa Aedes aegypti na nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami sa panahon ng tag-ulan ang mga lamok gaya ng Aedes spp., Anopheles spp., at Mansonia spp. na nagdadala ng Filariasis.

Ang lymphatic filariasis ay sakit na dulot ng mga microscopic na bulate na naipapasa mula sa kagat ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kapansanan dahil sa permanenteng pamamaga ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga paraan para maiwasan ang Filariasis:

✅Gawin ang taob, taktak, tuyo, takip sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok;

✅Magsuot ng pantalon at damit na may long sleeves; at

✅Gumamit ng mosquito repellent pag lalabas, at ng kulambo sa pagtulog

📍 Sa tulong ng mass drug administration, nakakamit ng mga probinsya ang Filariasis-free status.




18/07/2025

Ang kidney o bato ay tagapaglinis ng dugo, katuwang sa pagkontrol ng blood pressure, at siyang nagpapanatili ng tamang balanse ng tubig at mineral.

📌 May PhilHealth Z Benefit para sa severe cases—saklaw ang pagsusuri, operasyon, at gamutan:
🔗 www.philhealth.gov.ph/benefits

Isang paalala ngayong National Kidney Month.




18/07/2025

Alamin ang mga sintomas ng Dengue at maging maagap sa pagpapakonsulta. 🦟

I-scan ang QR code sa larawan para sa listahan ng Dengue Fast Lanes o tumawag sa 1555-2. ☎️





18/07/2025

🩺 Alam mo ba? Ang idiopathic scoliosis ay walang tiyak na sanhi pero madalas sa kabataan—lalo na kung may family history.

👨‍👩‍👧 Namamana ito, kaya bantayan ang mga batang may kamag-anak na may scoliosis.

📌 May PhilHealth Z Benefit para sa severe cases—saklaw ang pagsusuri, operasyon, at gamutan:
www.philhealth.gov.ph/benefits

📌 Huwag balewalain ang likod—maagang aksyon, mas mabuting solusyon!




18/07/2025

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:

💧 Waterborne diseases – mula sa maruming tubig
🤒 Influenza-like illnesses – trangkaso / lagnat, ubo, sakit ng katawan
🐀 Leptospirosis – galing sa ihi ng daga na nasa baha
🦟 Dengue – dala ng kagat ng Aedes aegypti na namamahay sa naipong tubig

Antabayanan ang karagdagang impormasyon para maiwasang magkasakit.

📞 Masama ang pakiramdam? Tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 (Press 2) para sa mabilis na konsultasyon!




14/06/2025
29/05/2025
29/05/2025

Patay na patay ka na bang humithit?

Sakto dahil may formaldehyde na pang embalsamo ang yosi mo 💀

‘Wag hayaang maihatid ka ng yosi sa morgue nang maaga.

'Wag magyosi, 'wag magvape. Tumawag sa DOH Quitline 1558.




29/05/2025

Ang thyroid ay maliit na glandula sa leeg na may malaking papel sa metabolismo, tibok ng puso, at enerhiya.

Marami ang may thyroid disorder pero hindi nila alam. Bantayan ang sintomas tulad ng pagkapagod, pagbabago sa timbang, at pamamanas sa leeg.

✔ Huwag balewalain ang sintomas
✔ Magpakonsulta sa health center
✔ Hikayatin ang pamilya’t kaibigan na magpa-check

💡 May PhilHealth Outpatient Package para sa thyroid tests—magtanong sa healthcare worker!

Isang paalala ngayong International Thyroid Awareness Week.





Address

T. M. Kalaw Street, Brgy. 9
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639227657288

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Segismundo - Uson Medical Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Segismundo - Uson Medical Clinic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram