04/07/2025
ALAM MO BA ANG TUNAY NA DAHILAN AT PINAGMUMULAN NG MGA SAKIT?
FREE RADICALS AT OXIDATIVE STRESS!
Ang oxidative stress ay isang kondisyon sa katawan kung saan hindi balanse ang dami ng free radicals at antioxidants. Kapag masyadong marami ang free radicals at kulang ang antioxidants, nagdudulot ito ng oxidative damage sa cells, proteins, at DNAโna konektado sa maraming sakit gaya ng cancer, diabetes, heart disease, at pagtanda.
โ๏ธ Ano ang Free Radicals?
Ang free radicals ay mga unstable molecules na may kulang na electron. Dahil kulang sila ng electron, naghahanap sila ng ibang molecules sa katawan para maagawan ng electronโkaya sila nakakasira ng healthy cells.
๐งช Paano sila nabubuo?
Ang free radicals ay natural na byproduct ng normal na proseso ng katawan tulad ng:
Metabolism (paggamit ng energy)
Immune response (panlaban sa bacteria/virus)
Ngunit mas lumalala ang produksyon ng free radicals dahil sa:
Pagkain ng unhealthy food (mataas sa sugar, fats, preservatives)
Paninigarilyo
Labis na pag-inom ng alak
Exposure sa polusyon at radiation (UV rays, X-rays)
Stress
Kakulangan sa tulog
Pesticides at ibang kemikal
๐งจ Ano ang Oxidative Stress?
Kapag sobra-sobra na ang free radicals at hindi na ito kayang kontrahin ng katawan gamit ang antioxidants, doon na nagkakaroon ng oxidative stress.
Ito ay parang "kalawang" sa loob ng katawanโunti-unting sinisira ang cells, proteins, at genes. Maaari itong magdulot ng:
Pagkakaroon ng chronic diseases (cancer, diabetes, hypertension)
Mas mabilis na pagtanda ng balat at katawan
Paghina ng immune system
Brain diseases (Alzheimerโs, Parkinsonโs)