09/10/2025
💊 Ano ang Folic Acid?
Ang folic acid ay isang uri ng vitamin B9 na mahalaga para sa paggawa ng malulusog na cells sa katawan.
Ito rin ang tumutulong sa pagbuo ng DNA at RNA, na kailangan para sa cell growth at development lalo na sa pagbubuntis kung saan mabilis ang paglaki ng baby.
🤰 Bakit mahalaga ito sa buntis?
📍PARA KAY BABY
Habang nagde-develop ang baby sa loob ng tiyan, kailangan niya ng sapat na folic acid para maiwasan ang mga birth defects sa utak at spinal cord.
Ang mga problemang ito ay tinatawag na neural tube defects (NTDs) gaya ng:
• Spina bifida – hindi tuluyang nagsasara ang spine ng baby
• Anencephaly – hindi nabubuo ang malaking bahagi ng utak at bungo
•Ibang birth defects- ayon sa ilang pag-aaral, ang kakulangan sa folic acid ay maaaring konektado rin sa congenital heart defects, cleft lip, at cleft palate.
• Low birth weight
• Fetal growth restriction
•Neurodevelopmental issues-maaaring magkaroon ng problema sa brain development, gaya ng language delay o mas mataas na risk ng autism.
📍🤰 Para sa Buntis
• Megaloblastic anemia:
Maaring makaranas ng pagkapagod, panghihina, pananakit ng ulo, at pamumula o pananakit ng dila.
• Pregnancy complications tulad ng Miscarriage Placental abruption,Preeclampsia at Increased homocysteine
📅 Kailan dapat uminom?
👉 Pinakamainam na magsimulang uminom ng 400–800 micrograms (mcg) ng folic acid bago pa mabuntis at ituloy ito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
👉 Para sa may history ng NTD o ibang risk factors, maaaring magreseta ang OB ng mas mataas na dose.
🍽️ Mga Pagkaing Mayaman sa Folate (Natural Form ng Folic Acid):
🥬 Green leafy vegetables (malunggay, kangkong, spinach)
🍊 Citrus fruits (orange, calamansi)
🥑 Avocado
🥚 Itlog
🍞 Whole grains
🫘 Beans at lentils
⸻
📌 Reminder: Ang folic acid ay supplement lamang. Para sa tamang dose at payo, kumonsulta sa iyong OB o healthcare provider.