CARE Program - Looc Municipal Help Desk

CARE Program - Looc Municipal Help Desk Congressional,
Assistance,
Response, &
Education

12/03/2026

Inaprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8464, na kilala bilang “Travel Tax Abolition Act of 2026.” Layunin ng panukalang batas na ito na alisin ang travel tax na sinisingil sa mga Pilipinong lumalabas ng bansa. Ito ay inisponsoran ni Committee Chairperson Cong. Budoy Madrona. Ipinaliwanag ng mga miyembro ng Kongreso na ang buwis ay lipas na at nagsisilbing dagdag-pasanin na lamang para sa mga pamilyang naglalakbay para sa trabaho, bakasyon, o personal na dahilan.

Sa kasalukuyan, ang travel tax ay kumikita ng humigit-kumulang ₱8 bilyon kada taon, na ginagamit upang pondohan ang mga programa ng TIEZA, CHED, at NCCA. Tinitiyak ng panukalang batas na patuloy na susuportahan ng pambansang badyet ang mga programang ito. Nangako ang mga Committee on Tourism, Ways and Means, at Appropriations, kasama ang Department of Finance at Department of Budget and Management, na magtutulungan upang matugunan ang anumang kakulangan sa pondo kapag tinanggal na ang buwis. Naniniwala ang mga mambabatas na ang repormang ito ay magpapagaan sa gastusin sa paglalakbay, magpapalakas sa turismo, at magtataguyod ng palitan ng kultura.

10 March 2026, Diamond Hotel, Manila - Nakiisa si Cong. Budoy sa ginanap na 1st Philippine Councilors League - Romblon C...
10/03/2026

10 March 2026, Diamond Hotel, Manila - Nakiisa si Cong. Budoy sa ginanap na 1st Philippine Councilors League - Romblon Chapter Convention 2026 sa pangunguna ni PCL President Mac Mac Silverio na may temang: “PCL Romblon : Heeding the Call Towards Modern-Day Legislation”.

Kasabay ni Cong. Budoy ngayong umaga si Sen. Mark Villar, na taos-pusong nagpasalamat sa mga Romblomanon sa patuloy na pagtitiwala. Nagpahayag din si Sen. Mark ng patuloy na pagsusulong ng mga batas para sa ikabubuti ng mga lalawigang katulad ng Romblon lalo na sa larangan ng edukasyon at agrikultura.

Muling ipinahayag ni Cong. Budoy ang panawagan na maging kaisa ang mga opisyales ng Romblon sa pagpursige ng: kaunlaran ng mga barangay, kapakanan ng kabataan at pagtulong sa mga mahihirap at kapuspalad. Ibinalita din ni Cong. Budoy ang mga proyektong ipapatupad ngayong 2026 na nakapaloob na sa General Appropriations Act.

Muling nagpasalamat si Cong. Budoy sa patuloy na suporta, paniniwala at pagmamahal ng mga Romblomanon.

Atletang Romblomanon na kalahok sa MRAA 2026 sa Sablayan, Occidental Mindoro mula Marso 8-12, 2026, nakatanggap ng  supo...
07/03/2026

Atletang Romblomanon na kalahok sa MRAA 2026 sa Sablayan, Occidental Mindoro mula Marso 8-12, 2026, nakatanggap ng suporta at dagdag na tulong mula sa ating butihing Congressman Budoy Madrona at sa 17 Punong-Bayan ng Lalawigan ng Romblon.

"Mula sa puso nga mga Atletang Romblomanon, Maraming Salamat po!"

7 March 2026, Sablayan, Occidental, Mindoro -  Nagsalo salo sa hapunan ang delegasyon ng Romblon sa MIMAROPA Regional At...
07/03/2026

7 March 2026, Sablayan, Occidental, Mindoro - Nagsalo salo sa hapunan ang delegasyon ng Romblon sa MIMAROPA Regional Athletic Meet at mga opisyales ng Lalawigan, sa pangunguna ni Cong. Budoy Madrona na ginanap sa billeting quarters ng mga atleta.

Tuwing MIMAROPA RAA ay pinupuntahan ni Cong. Budoy ang delegasyon kahit saan man eto ganapin upang masig**o ang kanilang kalagayan. Ngayong taon ay higit na espesyal dahil kumpleto ang 17 Mayors ng Romblon na nagbigay supporta sa delegasyon.

Ang pagbisitang eto ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa ating mga atleta sa gitna ng kanilang paghahanda at hikayatin silang ipakita ang kanilang pinakamahusay na kakayahan dahil baon nila sa kanilang mga puso ang dasal at pagmamahal ng buong Lalawigan.

Gabayan at pagpalain kayo ng Diyos!

Salamat po sa mainit na pagtanggap sa aming pagdating sa ABRA DE ILOG, Mayor Maria Gloria M. Constantino, Atty. Eric Con...
07/03/2026

Salamat po sa mainit na pagtanggap sa aming pagdating sa ABRA DE ILOG, Mayor Maria Gloria M. Constantino, Atty. Eric Constantino (former mayor) at mga LGU officials and employees.

Nakasama din sa pagkakataong eto si Cong. Gil Acosta Jr. ng 3rd District ng Palawan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyales ng Lalawigan ng Romblon at Bayan ng Abra de Ilog upang makilala ang kani-kaniyang mga lugar at makapag share ng challenges at best practices.

Inimbitahan din ni Cong. Budoy ang mga opisyales ng Abra de Ilog na makapasyal sa Romblon.

Salamat din po sa masarap na tanghalian. Nakakataba ng puso ang kabutihan ninyo sa inyong karehiyon.

7 March 2026 - Kasalukuyang bumibyahe patungong Sablayan, Occidental Mindoro ang mga opisyales ng Romblon para suportaha...
07/03/2026

7 March 2026 - Kasalukuyang bumibyahe patungong Sablayan, Occidental Mindoro ang mga opisyales ng Romblon para suportahan ang delegasyon ng Probinsya sa MIMAROPA Regional Athletic Meet na magsisimula bukas 8 March 2026.

Ang pagbisita ay mas maaga sa pormal na pagbubukas ng palaro, sapagkat nasabay eto sa umpisa ng General Assembly ng mga mayors sa Maynila. Bagamat hinde makakasama sa parada ay makakasalo na sa hapunan ang buong delegasyon.

Kitakits mamayang hapon mga atletang ROMBLOMANON!

6 March 2026, Quezon City – Nagkaroon ng isang makabuluhang talakayan ang DepEd Division of Romblon sa pangunguna ni SDS...
06/03/2026

6 March 2026, Quezon City – Nagkaroon ng isang makabuluhang talakayan ang DepEd Division of Romblon sa pangunguna ni SDS Roger F. Capa, kasama ang posibleng private partner ukol sa mas pagpapaunlad ng edukasyon gamit ang teknolohiya sa Lalawigan.

Eto ay pinangunahan ng Tanggapan ni Cong. Budoy at sinaksihan ng mga Mayors at Sangguniang Panlalawigan Members.

Nagbigay ng komprehensibong presentasyon si Mr. Melchor M. Famorcan, Chief Curriculum Implementation Division hinggil sa kasalukuyang estado ng Digital Innovation sa DepEd Division of Romblon, ano pa ang mga pangangailangan at ano ang mga nakahandang hakbang para dito.

Nag presenta naman ang private partner ng mga innovative programs na ginagawa na sa ibang bansa at ibang probinsya na maaaring tumugon sa pangangailangan ng DepEd Romblon.

“Students have different learning abilities and disabilities , and the goal is to bridge the gap through technological innovation.”

Isang malaking hakbang eto upang makasabay, una ang ating mga g**o at susundan ng ating mga mag aaral sa pandaigdigang pamantayan.

Patuloy ang mga inisyatibo ni Cong. Budoy sa mga programang magsusulong ng kalidad na edukasyon sa ating Lalawigan, para sa mga Batang Romblomanon!

Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang Malbog Port Terminal at ang paglulunsad ng biyahe mula Malbog–Caticlan (vice ve...
04/03/2026

Pormal na pinasinayaan at binasbasan ang Malbog Port Terminal at ang paglulunsad ng biyahe mula Malbog–Caticlan (vice versa) ngayong araw, 4 March 2026, sa Sitio Malbog, Brgy. Manhac, Looc, Romblon.

Dinaluhan ito nina Cong. Budoy Madrona, Gov. Trina Firmalo-Fabic, Mayors ng mga karatig-bayan, Host Mayor Atty. Lisette M. Arboleda, PPA Acting Division Manager TMO Tablas Ms. Christine Joy Acorda, Montenegro Shipping Lines, Inc. Manager Dennis Berania, mga kawani ng pamahalaan, at mga kinatawan ng komunidad.

Nagpahayag si Gov. Trina ng patuloy na suporta ng pamahalaang panlalawigan sa operasyon ng Malbog Port at pagpapalakas ng turismo at kalakalan sa pamamagitan nito.

Nilahad ni Mayor Lisette ang kuwento ng pagkabuo ng kasalukuyang estado ng Malbog Port, at buong pusong pinasalamatan ang pagsisikap ni Cong. Budoy na makakalap ng pondo para mapalitan ang noon ay mga kahoy na causeway (Phase 1), pagtatayo ng RORO Ramp (Phase 2), pagbuo ng malapad na causeway (Phase 3) at ang Passenger Terminal. Gayundin ang pasasalamat ng Mayora sa tulong ni Cong. Budoy sa pagsusog na mabigyan ng permiso ang rutang eto mula sa MARINA.

Binalikang tanaw naman ni Cong. Budoy ang ginampanan ng Malbog Port sa larangan ng transportasyon sa Lalawigan ng Romblon. Ikinuwento nyang bata pa lamang siya ay nasaksihan na nya kung paano eto ay naging lagusan ng kalakalan lalo na ng copra na pangunahing negosyo ng kanilang mga magulang noon, kung kaya malapit sa kaniyang puso ang larangan ng transportasyon. Naghayag din si Cong. Budoy ng buong suporta sa inter-island connectivity efforts ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Trina.

Malinaw na ang simulaing eto ay nagpapakita ng pagkakaisa at pinagkaisang adhikain ng mga lider ng Lalawigan na mas mapaunlad ang Probinsiya ng Romblon.

Inaprubahan na sa antas ng komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagdedeklara sa Hundred Isl...
04/03/2026

Inaprubahan na sa antas ng komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagdedeklara sa Hundred Islands National Park bilang isang tourism zone.

Inilabas ni House Committee on Tourism Chairman at Romblon Cong. Eleandro Jesus Madrona ang Committee Report No. 126 na nag-aapruba sa House Bill (HB) 8037 o “Declaration of Hundred Islands National Park as Tourism Zone.” Kapwa niya inakda ang panukala kasama si Cong. Arthur Celeste.

https://romblonnews.net/2026/03/panukalang-magdedeklara-sa-hundred-islands-bilang-tourism-zone-aprubado-na-sa-komite-ng-kamara/

ROMBLON, ROMBLON - Personal na pinangunahan ni Congressman Budoy Madrona, kasama si Romblon Mayor, Atty. Gerard S. Monto...
03/03/2026

ROMBLON, ROMBLON - Personal na pinangunahan ni Congressman Budoy Madrona, kasama si Romblon Mayor, Atty. Gerard S. Montojo, Chief of Staff Denon Madrona at kawani ng DPWH Romblon DEO ang inspeksyon sa dalawang bahagi ng kalsada sa Bayan ng Romblon bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagsasaayos nito:

📍 Sitio Sampaloc, Brgy. Agpanabat ➜ Sitio Aglumyom, Brgy. Sablayan Road
📍 Agnaga ➜ Calabogo ➜ Lamao Provincial Road

Ang mga kalsadang nabanggit ay may pondong nakapaloob na sa General Appropriations Act (GAA) o aprubadong National Budget sa taong 2026, kasama ang mga kalsadang nauna nang nainspeksyon ni Cong. Budoy:

📍Manhac, Looc ➜ Poblacion, Sta. Fe
📍Mat-I, Sta. Fe ➜ Agojo, Looc

Bagaman na ang kahabaan ng mga kalsadang eto ay klasipikado bilang PROVINCIAL ROAD, mariiing binigyang katwiran ni Cong. Budoy na magamit ang pondo ng pamahalaang nasyonal dito, para sa mas ligtas, mas mabilis at mas komportableng pag biyahe para sa lahat ng Romblomanon.

Namahagi ngayong umaga ang Tanggapan ni Congressman Budoy Madrona ng dalawampu’t walong (28) tablets para sa DepEd Divis...
02/03/2026

Namahagi ngayong umaga ang Tanggapan ni Congressman Budoy Madrona ng dalawampu’t walong (28) tablets para sa DepEd Division of Romblon.

Ang programang eto at bilang tugon sa kahilingan ng DepEd sa pamamagitan ni Mam Cynthia Eleanor G. Manalo, Ph.D. - ASDS, para sa mga kagamitang makakatulong na mas mapabuti at mapagaan ang pag ganap sa trabahong nangangailangan ng “digital innovations” at administratibo ng ating mga opisyales at kawani sa DepEd.

Ang mga tablet na eto ay malaking hakbang para sa pagsulong ng “innovation” at digital transformation sa larangan ng Edukasyon sa Lalawigan.

Kabilang sa nakatanggap ng tablet ang SDS, ASDS, Hepe ng Curriculum Implementation Division, Hepe ng School Governance and Operations Division, Education Program Supervisors, Public Schools District Supervisors at Coordinating Principals.

Personal tong ipinamahagi ni Cong. Budoy sa Odiongan National High School, kasama ang mga kawani ng DepEd sa pangunguna ni SDS Roger F. Capa, CESO VI, at sinaksihan ng mga Sangguniang Panlalawigan at mayors ng iba’t ibang bayan sa Tablas.

Sa kaniyang mensahe, binigyang pugay ni Cong. Budoy ang kaniyang mga naging g**o, at eto ang nagbigay ng inspirasyon sa kaniya upang tugunan ang kahilingan ng DepEd, dahil alam niyang eto ay para sa kapakanan ng mga mag aaral.

Pinahayag muli ni Cong. Budoy ang pasasalamat sa DepEd sa patuloy na pagsusulong na kalidad na edukasyon kung kaya ang Division of Romblon ay No. 1 sa MIMAROPA at No. 3 sa Pilipinas sa Literacy Rate.

Mula pa noon ay prioridad na ni Cong. Budoy ang pagsusulong ng mga programa para sa pag papaunlad ng larangan ng edukasyon sa ating Probinsya.

“Iisa lang ang hangarin ko at hangarin ninyo, ang mapabuti ang ating mga kabataan!”

Matagumpay na idinaos ang Fire Prevention Month Kick-Off Ceremony noong Marso 1, 2026 sa Poblacion, San Agustin, Romblon...
02/03/2026

Matagumpay na idinaos ang Fire Prevention Month Kick-Off Ceremony noong Marso 1, 2026 sa Poblacion, San Agustin, Romblon, na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa.” Pinangunahan ito ng Bureau of Fire Protection (BFP) MIMAROPA, at nagsilbing makabuluhang simula ng isang buwang kampanya na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapatibay ng kahandaan, at pagpapaigting ng pagkakaisa sa paglaban sa panganib ng sunog. Itinampok din ng kaganapan na ang pag-iwas sa sunog ay sama-samang pananagutan kung saan bawat isa sa komunidad ay may mahalagang papel.

Dumalo sa seremonya si Cong. Budoy Madrona at si Provincial Administrator Dr. Ramer M. Ramos bilang kinatawan ng Tanggapan ng Gobernador, Mayor Aaron James Stephen C. Madrona kasama si BFP MIMAROPA Regional Director FCSUPT Andrew A. Mendova, DSC. Nakiisa rin sina ARD for Administration FSSUPT John F. Pinagod Jr., DSC, Caretaker–Office of the ARD for Operations FSSUPT Nilo T. Caabay Jr., DSC, Regional Chief of Staff FSUPT Fernan M. Jambalos, DSC, Provincial Fire Marshal ng Romblon FSUPT Anthony A. Villena, Acting Provincial Fire Marshal ng Occidental Mindoro FCINSP Hernan B. Yason, at PDRRMO Engr. Jerome S. Maestre.

Itinampok ng pagtitipon ang matibay na ugnayan at pagtutulungan ng mga pinuno at tagapaglingkod sa nasyonal at lokal na antas upang isulong ang kamalayan sa kaligtasan laban sa sunog at palakasin ang katatagan ng komunidad.

Sama-sama nating isulong sa isang mas handa at ligtas ang Probinsya ng Romblon!

Address

Poblacion
Looc
5507

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CARE Program - Looc Municipal Help Desk posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share