
21/09/2025
𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙉𝘼, 𝘼𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙈𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉𝘼𝙉!
Walang titigil, walang makakalimot, at walang mananahimik habang patuloy na binababoy ng pasistang rehimen ang katotohanan at ang karapatan ng taumbayan.
𝗟𝗶𝗺𝗮𝗺𝗽𝘂’𝘁 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗠𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗿 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗱𝗶𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻. Mula noon hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pamamasista at pagnanakaw sa kaban ng bayan, ang pagnanakaw sa kalusugan ng taumbayan, ang pagnanakaw sa Edukasyon at kinabukasan, ang pagnanakaw ng mga Lupa at integridad ng ating likas-yaman.
𝗔𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗘𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗮𝘆 𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗺𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘂𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. Maging kaisa tayo sa tuloy-tuloy na pagtutol sa lahat ng porma ng Korapsyon lalo na sa sektor ng Edukasyon na patuloy nakakaranas ng malakihang Budget cut, at panunupil sa sektor ng mga magsasaka at mga manggagawa.
Makiisa sa militanteng pakikibaka kasama ang diwa ng Kalsada.
🎨: Jana
✍🏻: Danie