19/09/2025
๐๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐จ, ๐จ ๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ?
Malinaw na manipestasyon ng lantarang korupsyon ang mga gusaling hindi matapos-tapos ipatayo, kakulangan ng pasilidad, at dagdag na akademikong pasanin sa ating mga g**o. Higit pa rito, ang edukasyong neoliberal na naglalayo sa atin sa tunay na layunin ng edukasyon bilang karapatan ng lahat at hindi pribilehiyo ng iilan.
Habang ang mamamayan ay patuloy na nagdurusa sa baha, gutom, at kawalan ng serbisyong panlipunan, patuloy ding binabaha ang bansa ng korapsyon at kasakiman ng mga nasa posisyon. Nakakagalit isipin na ang taumbayan ang nagsisilbiโt nagpapasan ng sakripisyo, samantalang ang mga namumuno ay walang habas na pinagsisilbihan ang kanilang mga sari-sariling bulsa.
Ang pagbabalik ng mga taktika ng pananakot at panggigipit ay malinaw na babala na maaaring maulit ang kasaysayan kung mananatili tayong tahimik at walang pakialam.
Kaya naman, maigting na nakikiisa, sumusuporta at inaanyayahan ng UP Genetic Researchers and Agricultural Innovators Society (UP GRAINS) ang lahat ng mga estudyante, g**o, kawani, at mamamayan na lumahok sa UPLB Walkout, isang desentralisadong mobilisasyon at kolektibong pagkilos ng buong UPLB ngayong Setyembre 19, 2025. Ito ay hindi lamang simbolo ng pagtutol, kundi isang malaking pagkakataon na matuto sa labas ng silid-aralan, at tumindig laban sa korapsyon at kakulangan ng pondo para sa dekalidad na edukasyon.
๐๐จ๐ง๐๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง!