QMC OPD Ob-Gyne

QMC OPD Ob-Gyne Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from QMC OPD Ob-Gyne, Medical and health, Lucena City.

26/07/2022

PAALALA PO SA LAHAT NG NAGMEMESSAGE PARA SA TELECONSULT:

Hindi po kailangan na paulit-ulit o maya’t maya magsend at tumawag. ISANG MESSAGE LANG PO ang kailangan ipadala.

BAKIT?

Dahil kada paulit ulit na mensahe at tawag nyo bumabalik o napupunta sa pinakailalim ang inyong pangalan. Imbes po na masagot na kayo agad, lalong natatagalan at natatambak ang messages.

Sa ngayon po ay mahigit 2000 na mensahe ang aming sinasagot dahil sa 2 linggo na nawalan ng internet ang QMC. Pinipilit po na tapusin at sagutin lahat ng inyong mensahe kaya pakisuyo po na maghintay lamang.

Isang paalala din po na ang Outpatient Dept. ay para sa check up ng pasyente. Kung sa tingin nyo ay kailangan ng agarang lunas o emergency gaya ng panay panay na paghilab ng tyan, malakas na pagdurugo, may tubig na lumalabas sa pwerta at hindi magalaw ang baby, ay magpunta sa Emergency Room at hindi kailangan hintayin ang sagot namin.

Salamat po.

Send a message to learn more

Magandang araw po.Humihingi po kami ng pasensya at pangunawa. Dahil Sa ngayong araw po July 22, 9:00am ay 3,100 na mensa...
22/07/2022

Magandang araw po.
Humihingi po kami ng pasensya at pangunawa. Dahil Sa ngayong araw po July 22, 9:00am ay 3,100 na mensahe na po ang kailangan namin sagutin. Naipon po ito sa kadahilanang 1,000 mensahe kada araw na po ang natatanggap ng viber at nawalan din po ng Internet ang buong hospital na inabot po ng 2 linggo.

Paalala lang po. Ang TELEKONSULTA ay HINDI para sa emergency na kaso. Pag nakapagsend na po kayo ng mensahe ay maghintay ng reply. Wag pong ulit ulitin ang pagchat para po hindi matabunan ang inyong mensahe. Wag din po tumawag para dirediretso po ang aming pagsagot. Maglaan po ng mahabang pasensya sa pagreregister. Maraming Salamat po.

30/05/2022

Paalala po sa lahat.

Kinakailangan po na FULLY VACCINATED ANG MGA PASYENTE at BANTAY. Ibig sabihin po ay kinakailangang may COVID-19 VACCINE BOOSTER. Ito po ay protocol ng ospital at para sa ikabubuti ng lahat.

Salamat po.

Lahat po ng katanungan kung PAANO, SAAN, ANO MGA KAILANGAN AT MGA DAPAT GAWIN sa mga gustong magpakonsulta ay nakalagay ...
24/05/2022

Lahat po ng katanungan kung PAANO, SAAN, ANO MGA KAILANGAN AT MGA DAPAT GAWIN sa mga gustong magpakonsulta ay nakalagay dito.

WALA PONG WALK-IN at kinakailangan na COVID-19 VACCINATED LAHAT ng bibigyan ng schedule ng face to face lalo at sa QMC gustong manganak.

Ugaliin po natin ang magbasa. Salamat po.

20/05/2022

PAALALA PO SA LAHAT NG PASYENTE NA GUSTONG MAGPAKONSULTA AT MANGANAK DITO SA QMC

Ang lahat po ng PASYENTE at kanilang BANTAY ay kinakailangan na COVID-19 VACCINATED. Kahit po BUNTIS ay nirerequire na may vaccine.

Ito po ay protocol ng hospital at hindi lamang ng Department ng OB-GYNE.

07/05/2022

Paalala po sa lahat…

SABADO po ngayon...Wala pong teleconsulta hanggang LUNES dahil holiday.

Wag po sanang mangulit at lalong WAG MAGALIT kung di kayo masasagot agad.

Happy Weekend!

Para po sa lahat ng pasyentePakiusap po na basahing mabuti kung ano ang mga kailangan isend para sa pagpaparehistro sa t...
06/05/2022

Para po sa lahat ng pasyente

Pakiusap po na basahing mabuti kung ano ang mga kailangan isend para sa pagpaparehistro sa teleconsult.

Sa VIBER LAMANG po ito ginagawa. Magpadala lamang ng message sa nakalagay na numero thru VIBER. Hindi TEXT MESSAGE, HINDI DIN EMAIL.

Kinakailangan na KUMPLETO ang hinihinging mga detalye ng pasyene at ang mga resulta bago mabigyan ng schedule.

Ang Teleconsult at pagsagot sa inyong mga mensahe ay ginagawa lamang 8:00 ng UMAGA hanggang 4:00 ng HAPON, LUNES hanggang BIYERNES MALIBAN KUNG HOLIDAY. Ibig sabihin, kung magmessage kayo ng lagpas sa nakalagay na oras, SABADO, LINGGO at HOLIDAY ay WALANG SASAGOT.

Wag naman po sana nangaaway kung di agad masagot ang inyong mga mensahe. Hindi po robot ang sumasagot sa inyo at higit 700 po araw araw ang nagmemensahe na kailangan sagutin.

IWASAN din ang paulit ulit na pagpapadala ng mensahe at paggamit ng iba ibang numero. ISANG NUMERO PARA SA ISANG PASYENTE upang maiwasan ang kalituhan.

Kung mabigyan na ng schedule, sundin ang ibibigay na instructions at SAGUTIN ANG TAWAG SA ARAW NG BINIGAY NA SCHEDULE. Wag pong sayangin ang schedule na pwede sanang maibigay sa ibang gusto magpakonsulta.

BAWAL TUMAWAG dahil nakakaantala sa isinasagawang Teleconsult. Napuputol po ang usapan ng doctor at pasyente.

Salamat po.

PROSESO NG PAGPAPASCHEDULE NG KONSULTA
15/04/2022

PROSESO NG PAGPAPASCHEDULE NG KONSULTA

15/04/2022

Para po sa mga psyente na nais magpakonsulta sa OPD OB-GYNE:

Hindi po dito sa Facebook o Messenger ang pagpaparegister at konsulta. Ginagawa po ito sa VIBER. Pakisuyo po na BASAHIN at INTINDIHIN MABUTI ang proseso upang mapabilis ang pagbibigay ng schedule.

Kinakailangan din na KUMPLETO ang hinihinging detalye at mga resulta upang mabigyan ng schedule.

Salamat po.

24/03/2022

Paalala po sa lahat ng pasyente na gustong magpa check up:

Sa VIBER po ginagawa ang pagpaparegister para sa Teleconsult dahil doon kayo kokontakin at tatawagan. Hindi po dito sa Facebook o Messenger.

Mangyaring BASAHIN PONG MABUTI kung PAANO at KUMPLETUHIN ang mga hinihinging detalye at resulta upang mapabilis ang pagbibigay ng schedule.

Salamat po.

Para po sa lahat ng pasyente ng OB-GYNE Department, pakibasa pong mabuti ang paraan ng pagpaparegister para sa teleconsu...
14/03/2022

Para po sa lahat ng pasyente ng OB-GYNE Department, pakibasa pong mabuti ang paraan ng pagpaparegister para sa teleconsult.

Ilang paalala po na kailangan tandaan at sundin:

1. Kailangan na KUMPLETO ang hinihinging mga resulta upang mapabilis ang pagbibigay sa inyo ng schedule.

2. Kumpletuhin ang hinihinging detalye tungkol sa pasyente.

3. Daan daan pong pasyente ang nagpapadala ng message para magpa schedule. Mangyaring maghintay lang po ng sagot at iwasan ang paggamit ng iba ibang numero para sa isa lamang na pasyente upang maiwasan ang kalituhan.

4. Kung mabigyan na ng schedule, mangyaring MAHIGPIT NA SUMUNOD SA IBINIGAY NA SCHEDULE at ibigay ang mga hinihinging datos. HINDI po kayo maisasama kahit may schedule na kung hindi iyon ipapadala BAGO ANG ARAW AT ORAS ng schedule. WAG PONG SAYANGIN ang binigay na schedule dahil marami pong ibang pasyente ang naghihintay na mabigyan.

5. HUWAG TUMAWAG upang maiwasan ang pagkasagabal habang ginagawa ang teleconsult.

6. Ginagawa po namin ang pagsagot sa inyong mga mensahe kung LUNES - BIYERNES LAMANG, 8:00 ng UMAGA hanggang 4:00 ng HAPON.

Para po sa ating mga buntis. Magkakaroon po ng Buntis Day Celebration sa darating na March 6, 2022 9:00 AM. Magregister ...
02/03/2022

Para po sa ating mga buntis.

Magkakaroon po ng Buntis Day Celebration sa darating na March 6, 2022 9:00 AM. Magregister lamang sa nakalagay na link sa baba kung nais dumalo.

Hi there,

You are invited to a Zoom meeting.
When: Mar 6, 2022 09:00 AM Singapore

Register in advance for this meeting:
https://cathaydrug.zoom.us/meeting/register/tJErd-yhrT0qGd3QwAvOyo3DhaJ87ThbwoeW

After registering, you will receive a confirmation email containing information about joining the meeting.

Welcome! You are invited to join a meeting: “Pagmamahal at Pag-aalaga kay Pregnant Mommy para sa Masaya at Malusog na Baby”. After registering, you will receive a confirmation email about joining the meeting.

Ang Department ng OB-Gyne ng Quezon Medical Center ay isinasagawa ang pagkokonsulta sa pamamagitan ng Teleconsult o Tele...
02/03/2022

Ang Department ng OB-Gyne ng Quezon Medical Center ay isinasagawa ang pagkokonsulta sa pamamagitan ng Teleconsult o Telemed. Mangyaring magmessage lamang sa VIBER number na nakalagay at iwasan ang pagtawag upang hindi maantala ang ginagawang Teleconsult.

Kinakailangan na KUMPLETO ang hinihinging detalye at mga resulta upang mapabilis ang pagbibigay ng schedule.

Ang pagsagot sa inyong mga mensahe ay ginagawa LUNES hanggang BIYERNES, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon LAMANG, maliban kung Holidays.

Address

Lucena City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639918105263

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMC OPD Ob-Gyne posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to QMC OPD Ob-Gyne:

Share