Quezon Provincial Epidemiology Surveillance Unit

Quezon Provincial Epidemiology Surveillance Unit Integrated Provincial Health Office

March 24 is World Tuberculosis (TB) Day.For a   Nation, YOUth can  Unahan ang sakit na TB, magpatingin sa pinakamalapit ...
24/03/2025

March 24 is World Tuberculosis (TB) Day.
For a Nation, YOUth can
Unahan ang sakit na TB, magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital upang maiwasan ang Tuberculosis.
Mga dapat bantayang sintomas ng sakit na TB:
๐Ÿ˜ท Matagal na pag-uubo na umaabot ng 2 linggo o higit pa
๐Ÿซ Pananakit ng dibdib.
๐Ÿ˜ต Panghihina ng katawa o Fatigue
๐Ÿ“‰ Biglang pagbaba ng timbang
๐Ÿค’ Lagnat
๐Ÿ˜“ Pagpapawis sa tuwing gabi
Umiwas sa banta, Ingatan ang baga.

March 24 is World Tuberculosis (TB) Day.

For a Nation, YOUth can

Unahan ang sakit na TB, magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital upang maiwasan ang Tuberculosis.

Mga dapat bantayang sintomas ng sakit na TB:
๐Ÿ˜ท Matagal na pag-uubo na umaabot ng 2 linggo o higit pa
๐Ÿซ Pananakit ng dibdib.
๐Ÿ˜ต Panghihina ng katawa o Fatigue
๐Ÿ“‰ Biglang pagbaba ng timbang
๐Ÿค’ Lagnat
๐Ÿ˜“ Pagpapawis sa tuwing gabi

Umiwas sa banta, Ingatan ang baga.

Ang buwan ng Marso ay Colorectal Cancer Awareness Month.Ating alamin ang mga maaaring gawin upang makaiwas sa sakit na i...
18/03/2025

Ang buwan ng Marso ay Colorectal Cancer Awareness Month.
Ating alamin ang mga maaaring gawin upang makaiwas sa sakit na ito:
โœ…Kalusugan ay ingatan, gawin ang TED: Tamang pagkain, Ehersisyo, at Disiplina
โœ…Umiwas sa paninigarilyo at paginom ng alak
โœ…Magpasuri agad upang maagapan ang lunas
Tandaan, mahalaga ang may sapat na kaalaman! Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa pinakamalapit na Health Center o Rural Health Unit.

Ang buwan ng Marso ay Colorectal Cancer Awareness Month.

Ating alamin ang mga maaaring gawin upang makaiwas sa sakit na ito:

โœ…Kalusugan ay ingatan, gawin ang TED: Tamang pagkain, Ehersisyo, at Disiplina
โœ…Umiwas sa paninigarilyo at paginom ng alak
โœ…Magpasuri agad upang maagapan ang lunas

Tandaan, mahalaga ang may sapat na kaalaman! Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa pinakamalapit na Health Center o Rural Health Unit.

Ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) katuwang ang mga Diseases Surveillance Officers ng mga Probinsya ...
18/03/2025

Ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) katuwang ang mga Diseases Surveillance Officers ng mga Probinsya ng Calabarzon region ay nag sagawa ng taunang pag-aanalisa ng mga datos ng Notifiable Diseases na naiulat sa EDCS at TKC Information System, na ginanap noong ika-12 hanggang ika-14 ng Marso taong 2025. Layunin ng ng aktibidad na ito na maisaayos ang mga datos na nakalap sa nag daang taon ng 2024, at mapag usapan at mabigyan ng solusyon ang mga naging problema sa pag gamit ng systema.

Ang heat stroke ang pinakamalubhang sakit na dala ng init ng panahon kapag ang ating katawan ay nag-overheat at hindi hu...
10/03/2025

Ang heat stroke ang pinakamalubhang sakit na dala ng init ng panahon kapag ang ating katawan ay nag-overheat at hindi humuhupa sa pamamagitan ng pagpapawis dahil sa dehydration at humid environment.

Iwasan ang heat stroke:
โ— Maging hydrated
โ— Iwasan ang paglabas sa matinding init
โ— Magpahinga ng madalas
โ— Suriin ang kapwa
โ— Alamin ang mga sintomas

Bilang pagpapatuloy sa paglaban ng Pamilyang Quezonian sa dengue, alamin natin ang maaaring pamugaran ng mga Kiti-Kiti (...
10/03/2025

Bilang pagpapatuloy sa paglaban ng Pamilyang Quezonian sa dengue, alamin natin ang maaaring pamugaran ng mga Kiti-Kiti (mosquito larva/itlog ng lamok). Madalas na nangingitlog ang lamok sa mga tubig na hindi gumagalaw. Ugaliing maglinis ng kapaligiran at huwag hayaang maipon ang tubig sa mga maaaring pamugaran ng kiti-kiti.

Muli, patuloy tayong makiisa sa province-wide "Search and Destoy" upang puksain ang mga kiti-kiti at mga lamok na maaaring mag dala ng dengue.


Bukas na!Tayo'y makiisa sa province-wide SEARCH AND DESTROY CAMPAIGN TO COMBAT DENGUE na gaganapin sa buong lalawigan ng...
07/03/2025

Bukas na!

Tayo'y makiisa sa province-wide SEARCH AND DESTROY CAMPAIGN TO COMBAT DENGUE na gaganapin sa buong lalawigan ng Quezon!

Simula March 8, 2025, tuwing ika-4:00 ng hapon, sabay-sabay nating labanan ang sakit na dengue!

๐๐„๐€๐“ ๐“๐‡๐„ ๐‡๐„๐€๐“!Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng panahon, basahin ang ilang tips kung paano mananatiling presko nga...
07/03/2025

๐๐„๐€๐“ ๐“๐‡๐„ ๐‡๐„๐€๐“!

Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng panahon, basahin ang ilang tips kung paano mananatiling presko ngayong tag-init.

Ano ang HEAT INDEX?
Ang HEAT INDEX o "INIT FACTOR" ay nararamdaman ng ating katawan mula sa pinagsamang temperatura ng hangin at ng alinsangan o humidity.

Maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion na posible ring mauwi sa heat stroke kapag mataas ang init factor o damang init.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Dengue, tayo ay hinihikayat upang alamin ang mga paraan para iwasan at labanan ang Dengue.Ga...
07/03/2025

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Dengue, tayo ay hinihikayat upang alamin ang mga paraan para iwasan at labanan ang Dengue.

Gawing pangunahing prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Pamilyang Quezonian. Tayo ay makiisa sa pag-iwas at pag-puksa sa kumakalat na Dengue, ugaliing gawin ang 4S KONTRA DENGUE!

โœ…Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok.

โœ…Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue.

โœ…Sarili ay protektahan laban sa lamok.

โœ…Sumuporta sa fogging/spraying kapag may banta ng dengue.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—ถ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต! Mahalagang paalala sa lahat ng pet owners at mamamayan tungkol sa Republic Act 9482 o a...
05/03/2025

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—ถ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต!
Mahalagang paalala sa lahat ng pet owners at mamamayan tungkol sa Republic Act 9482 o ang "Anti-Rabies Act of 2007" at ang pagiging responsible pet owner:
Nakagat o nakakalmot?
โ— Hugasan agad ng sabon at tubig ang sugat at magtungo sa pinakamalapit na health center
โ— Magpatingin sa Animal Bite Treatment Center upang maiwasan ang rabies- isang nakamamatay na sakit
Narito ang listahan ng mga Animal Bite Treatment Center/Animal Bite Clinic sa lalawigan ng Quezon.

Bilang bahagi ng pagtugon  at layuning mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, nagtungo ang kinatawan ng Que...
05/03/2025

Bilang bahagi ng pagtugon at layuning mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, nagtungo ang kinatawan ng Quezon Provincial Health Office Infectious Diseases Unit at Provincial Epidemiology and Surveillance Unit sa bayan ng Tiaong kahapon ika-3 ng Marso 2025.
Layunin ng pagbisita na maghatid ng ilang kagamitang pamuksa ng lamok kabilang na ang mga Long-lasting Insecticide Treated Nets at mga Insecticides na maaaring gamitin sa spraying at misting operations. Nagsagawa rin ng data review sa mga naging kaso ng dengue sa naturang bayan, ito ay upang mas higit na mapagtuunan ng pansin at makapaglatag ng mas epektibong paraan upang puksain ang mga lamok na nagdadala ng nasabing sakit.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng QPHO na makaharap at makausap ang ilang opisyal sa bayan ng Tiaong kabilang na ang Municipal Administrator, Municipal Disaster Risk Reduction Officer at Municipal Health Officer kung saan ang bawat isa ay nagbigay ng kani-kanyang suhestyon at mga plano ng mga gawain na ilalatag pa sa mga parating na araw.
Samantala sinigurado naman ng kinatawan mula sa QPHO na mananatiling bukas ang kanilang tanggapan upang maghatid ng kaukulang tulong kung sakali mang kailanganin pa ito.

Simula March 8, 2025 kasama ang Provincial Government of Quezon at Department of Interior and Local Government (DILG), s...
05/03/2025

Simula March 8, 2025 kasama ang Provincial Government of Quezon at Department of Interior and Local Government (DILG), sabay-sabay tayong makiisa at makilahok sa paglunsad ng Province-wide search and destroy breeding grounds for mosquitoes na may temang โ€œ๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง๐ข๐š๐ง ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ง๐ ๐ฎ๐žโ€.
Siguraduhing safe and healthy ang buong taon ng pamilya mo kaya Quezonians, halina at araw-araw nating gawin ang 4S kontra dengue tuwing alas-kwatro ng hapon.
โ˜‘๏ธ Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok
โ˜‘๏ธ Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue
โ˜‘๏ธ Sarili ay protektahan laban sa lamok
โ˜‘๏ธ Sumuporta sa โ€œFogging / Sprayingโ€ kapag may banta ng outbreak.

Simula March 8, 2025 kasama ang Provincial Government of Quezon at Department of Interior and Local Government (DILG), sabay-sabay tayong makiisa at makilahok sa paglunsad ng Province-wide search and destroy breeding grounds for mosquitoes na may temang โ€œ๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง๐ข๐š๐ง ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ž๐ง๐ ๐ฎ๐žโ€.

Siguraduhing safe and healthy ang buong taon ng pamilya mo kaya Quezonians, halina at araw-araw nating gawin ang 4S kontra dengue tuwing alas-kwatro ng hapon.

โ˜‘๏ธ Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok
โ˜‘๏ธ Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue
โ˜‘๏ธ Sarili ay protektahan laban sa lamok
โ˜‘๏ธ Sumuporta sa โ€œFogging / Sprayingโ€ kapag may banta ng outbreak.

๐——๐—˜๐—ก๐—š๐—จ๐—˜ ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—งAng lalawigan ng Quezon ay nakapagtala ng 1,260 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Marso ...
04/03/2025

๐——๐—˜๐—ก๐—š๐—จ๐—˜ ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง
Ang lalawigan ng Quezon ay nakapagtala ng 1,260 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2025. Sa mga kasong ito, 540 ay mga suspected cases, 505 ay probable cases, at 215 ay confirmed cases. Samantala, may apat (4) na naiulat na namatay dahil sa dengue.
Magtulong-tulong tayo na iwasan at puksain ang kumakalat ng Dengue, ugaliing gawin ang 4S!
โ˜‘๏ธ Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok.
โ˜‘๏ธ Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue.
โ˜‘๏ธ Sarili ay protektahan laban sa lamok.
โ˜‘๏ธ Sumuporta sa fogging/spraying kapag may banta ng dengue.

Address

Belen Drive Capitol Compound Brgy. X
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Epidemiology Surveillance Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Quezon Provincial Epidemiology Surveillance Unit:

Share