
23/12/2024
Hindi na kailangan ng senior citizens na ipresenta ang kanilang purchase booklet para makakuha ng diskuwento sa pagbili ng gamot, ayon sa Department of Health .
Kasunod ito ng paglagda ni Health Sec. sa Administrative Order (AO) No. 2024-0017 para tanggalin ang purchase booklet bilang requirement. Batay sa Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act, kasama ito ng valid identification card at reseta ng doktor na dapat maipakita para sa discount.
"Kailangan ng mga nakatatanda ang diskwento sa kanilang mga gamot, at dapat madali nating makuha iyon," saad ni Herbosa sa isang media release ngayong Lunes, Dec. 23.