Sobrang nahihirapan ka na ba sa timbang mo at nararamdaman mo sya tuwing may dadamputin ka o sa pagyuko mo sa pagtatali ng sapatos?
Tumingin ka na ba sa salamin at nag wish na "Sana pumayat na ako"
Nakakita ka na ba ng damit na gusto mong suotin pero iniisip mo na baka magmuka kang suman kapag sinuot mo ito?
Dumating ba yung point na umiyak ka dahil sobrang baba ng self confidence mo dahil sa sinet na standard ng mga tao?
Sis, lahat ng tinanong ko sayo, naranasan ko.
Hi! I’m Zelamae, owner of D’ Luxe Shop. May pinapamigay akong FREE EBOOK kung saan isshare ko sayo kung paano ko naachieve ang aking ideal weight.
Let me share you a little bit of my journey...
Ever since ng pinanganak ako, mataba na ako. Sorry for using the word "Mataba" pero nagsasabi lang ako ng totoo. Mataba talaga ako. Kwento pa nga sakin ng mama ko, may halas daw ako lagi sa leeg dahil natatakluban ng double chin ko yung leeg ko at hindi na nakakasingaw sa sobrang laki ng pisngi at double chin ko. Nung bata pa ako, madaming nagsasabi na sobrang cute ko daw. Ngayon ko narealize kung bakit. Kasi yung braso ko noon, alam mo yung parang loaf bread na may hiwa hiwa? Ganun ang itsura nya!
Nasabi ko na ba na YOBAB yung tawag sakin nung Elementary ako? YUP! Baboy kapag binaligtad. Elementary palang gusto ko ng mag diet! Pero anong gagawin ko? Bata lang ako! Marupok!
Syempre pag nagluto si mama ng nilaga (paborito ko nung bata pa ako), hindi pwedeng hindi 6 rice yung kakainin ko! I'm not exaggerating, meron pa ngang isang beses na naka 8 rice ako e, ayun! sumakit yung tyan ko kasi hindi na ako makahinga.
Pero sabi nga satin noong mga bata pa tayo, "Sige kain ka lang ng kain! Para lumaki ka kaagad!" Kaso di naman ako tumangkad, lumobo lang ako. To be honest, wala akong magandang memory ng elementary because I was bullied and hindi sya masaya kaya bago ako nag high school, nag papayat ako. Nag sskip ako lagi ng meal and madalas, 2 times a day lang akong kumain. Hindi ko masasabing payat na ako nung high school kasi andun pa ako sa category ng "CHUBBY" kung tawagin. Hindi overweight, pero hindi din yun payat. Siguro okay lang yun. Bata pa naman ako. Sabi naman ni Mama, baby fats lang yun.
FAST FORWARD TO 19....
Hindi na ako bata :/ hindi na sya babyfats! Ang mas malala, bakit parang lumobo ako? Dahil ba sa pagkain ko binabawi yung pagod at stress ko? Sobrang naobssess ako sa pagpapapayat nang mag 19 ako. As in! kasi as in ang laki ko!!!!!! Don't get me wrong, walang nambubully sakin pero pag tumitingin talaga ako sa Salamin, grabe! grabe talaga! As in hindi ako masaya sa itsura ko. I really am not in my best shape!
Nagresearch ako kung paano magpapayat and nakita ko online yung MILITARY DIET kung tawagin. Kung narinig nyo nadin to or ginawa nyo na din, gaya nyo ginawa ko din sya. Halos isang buwan na puro canned tuna lang ang kinakain ko at loaf bread. Well is just one month, naging 27inches yung waist line ko! Yan na yung pinakang maliit na waist line ko sa buong buhay ko!
Kaya lang ang bad news, ayoko na ng tuna.
Effective naman talaga ang Military Diet, kung gusto nyong kumain ng tuna habang buhay, go for it! Pero kung gusto nyo naman mabuhay ng normal, may iba pang paraan para pumayat :) at isa pa, hindi din permanent yung result ko. Dahil nung nagkaboyfriend ako, Mas lumobo ako. This is me last May 2018.
Hindi ko na talaga nacontrol ang kain ko. Hindi naman sa nag gain ako ng confidence at wala na akong pake sa timbang ko. Hindi ko lang talaga namalayan! Lagi kasi akong naka leggings noon at nag sususot ako ng oversized shirts. So one time, nagpantalon ako and nagulat ako kasi hindi kasya yung size 27 sakin! Nagmeasure ako ng waist ko. SHOCKS!! 41 inches. how come?? You might think na hindi pa ganun kalaki ang 41 inches but my height is only 157cm so maliit ako, tapos malapad. Yung school uniform namin ay kulay orange ang palda. May nagsabi sakin na muka daw akong gasul. Alam kong joke lang yun pero some jokes are half meant. And hindi nila maiisip yun kung hindi totoo.
Sobra akong nadepress. Hindi ko naman alam kung paano kkontrolin ang kain ko. Hindi ko din alam kung paano ko immaintain yung weight ko kasi ginugutom ko lang yung sarili ko para pumayat.
Meron akong nakita sa facebook na softgel na iniinom. Foreign product sya. Pero hindi ko alam kung FDA approved kasi hindi naman ako sinasagot ng seller. Nakalagay sya sa parang can. Nag alangan ako actually kasi mejo amoy plastic yung loob. Hindi ko nalang sasabihin kung anong product pero nakita ko kasi yung mga testimonies and mabilis at effective talaga!! So kahit hindi ko alam kung safe, binili ko na. Desperada nako! Gusto ko ng pumayat! Ang sabi sakin isang beses lang sa isang araw pero kung gusto ko ng faster result, 2 times a day mas maganda.
Isa hanggang tatlong subo lang ng kanin busog nako. So in just 3 weeks, bumalik sa 27 inches yung waist line ko. Pero nagkasakit ako... Kasi since hindi ako kumakain ng maayos, I was diagnosed with acid reflux. nakaexperience ako ng heartburn and parang may something sa lalamunan ko. Sobrang hapdi ng tyan ko kaya kinailangan kong mag stop na mag intake nang magpacheck up ako sa doctor. Syempre pagtigil ko sa pagtake nung product, nag gain ulit ako ng weight :(
Alam ko na hindi ito ang gusto mong result lalong lalo na ayaw mong magkasakit. Alam ko na kapag nag papayat ka, gusto mo na forever na ang result nito dahil yun din ang gusto ko! And madami ako natutunan sa naging journey ko.
After kong pagdaanan na pabalik balik ako sa timbang ko noon, I now am able to maintain my goal and ideal weight! :D at gusto kong ishare sayo ito just send me a message para maishare ko sayong kung paano ko nagawang mag lose ng weight!
-----> http://bit.ly/2NL3G9B
I’m so excited sa journey mo ;)
Always remember that you are Secured, Loved, and Affirmed so be confident, beautiful and healthy inside and out. :)
-Zelamae Bartiana