16/09/2025
Bilang pakikiisa sa ika-125 taon ng Philippine Civil Service, nagsagawa ng Bloodletting and Medical Mission sa Quezon Convention Center, Lucena City. Sa temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan” matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng Civil Service Commission, Provincial Human Resource Management Office, Provincial Health Office, QPHN-Quezon Medical Center Blood Bank, Mount Carmel Diocesan General Hospital, at Philippine Red Cross – Quezon Lucena Chapter.
Nakapagtala ng 222 voluntary blood donors na nagmula sa pampubliko at pribadong sektor partikular ang Philippine National Police, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, mga g**o mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at mga miyembro ng Rotary Club of Lucena.
Kasabay rin ng bloodletting ay ang medical mission na naghatid ng serbisyong medikal tulad ng RBS, UACR (Uric Acid Cholesterol, Urine Albumin-Creatinine Ratio), CBC (Complete Blood Count), Urinalysis, Blood Typing, STI-HIV Screening, Family Planning Insertion and Removal, at Active Case Finding (ACF) X-RAY. Nakatanggap rin ng libreng gamot ang mga nagpakonsulta sa isinagawang medical mission.