28/10/2025
ANO ANG LIVER CIRRHOSIS?
🚨Ito ay ang late stage ng CHRONIC LIVER DISEASE kung saan ang normal liver tissue ay napalitan na ng mga peklat (fibrosis)
🚨 Nagkakaroon ng LOSS OF LIVER FUNCTION kung saan hindi na nito nasasala nang maigi ang mga toxins sa dugo
🚨Ano ang mga nararamdaman at nararanasan ng pasyenteng may CIRRHOSIS?
- FATIGUE
- JAUNDICE (PANINILAW NG MATA AT BALAT)
- WALANG GANA KUMAIN
- PAGLAKI NG TIYAN DAHIL SA TUBIG
- PAMAMANAS
- MADALING MAG PASA O MAGDUGO
- PATULOG-TULOG AT CONFUSION
- PAGBABA NG SEXUAL DRIVE
🚨 Common causes ng CIRRHOSIS ay HEPATITIS B/C, ALCOHOL ABUSE, NON-ALCOHOLIC FATTY LIVER DISEASE. May mga ibang autoimmune at genetic na sakit na pwede rin magdulot nito
🚨WALANG GAMOT kapag may CIRRHOSIS na ang atay kaya mahalaga na ALAGAAN ang ating atay.