Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center

Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center The Official page of Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center

Sa BAGONG QMC, Pasyente ang una sa lahat! ❤️
Need help?

Call us anytime: (042) 717-6323 or 6324

SAMA-SAMA NATING LABANAN ANG THYROID CANCER! ✊🧡Ngayong National Thyroid Cancer Awareness Week, kasama ang Quezon Medical...
23/09/2025

SAMA-SAMA NATING LABANAN ANG THYROID CANCER! ✊🧡

Ngayong National Thyroid Cancer Awareness Week, kasama ang Quezon Medical Center sa panawagan para sa mas malawak na kaalaman at mas maagap na aksyon laban sa thyroid cancer. Sa maagang pagtuklas, mas mataas ang tsansa ng paggaling, kaya’t huwag ipagsawalang-bahala at komunsulta agad sa doktor kung may nararamdamang pagbabago o anumang bukol at pamamaga sa leeg.



IKA-37 FLAG RAISING CEREMONY NG QMC, PINANGUNAHAN NG FINANCE DIVISION 🧡Pinangunahan ng Finance Division, sa pamumuno ni ...
22/09/2025

IKA-37 FLAG RAISING CEREMONY NG QMC, PINANGUNAHAN NG FINANCE DIVISION 🧡

Pinangunahan ng Finance Division, sa pamumuno ni Ms. Claire Alejandro, ang ika-37 na Flag Raising Ceremony ng QPHN-QMC. Sa pagkakataong ito, ipinakilala ang bawat section at ang kanilang mga pinuno bilang patunay ng organisadong daloy ng kanilang trabaho at mahalagang papel sa operasyon ng ospital.

Kasabay nito, malugod ding tinanggap ang mga bagong empleyado at ang bagong lisensyadong social worker na bahagi na ngayon ng kanilang hanay. Ang mainit na pagtanggap na ito ay sumasalamin sa paglago at pagkakaisa ng dibisyon, mga haliging nagsisiguro ng tuluy-tuloy at maayos na daloy ng serbisyo sa ospital.

Samantala, nagbigay ng mahahalagang updates si Dr. Jef Villanueva, Chief of Hospital, hinggil sa mga nagdaang kaganapan at paparating na programa:

✅ Matagumpay na Operation Day ng Cholelithiasis Caravan�✅ PhilHealth ZBEN Audit para sa Newborn Care Unit�✅ Paghahanda para sa Pista ng San Lorenzo Ruiz�✅ Pulong kasama ang Provincial Engineering Office at ER Department ukol sa floor plan ng bagong Emergency Room�✅ Pulong kasama ang DOH HRH Deployment Program (NHWSS) upang tugunan ang tumataas na bilang ng mga pasyente�✅ Matagumpay na submission ng Licensing Unit ng QPHN-QMC para sa aplikasyon ng Z-BEN na sumasaklaw sa Orthopedic Implants and Physical Rehabilitation�✅ Paalala sa mga nakatakdang caravan: AV Fistula, Cholecystectomy, at Cleft Lip and Palate



Huwag kang magtaka kung paggising mo ay biglang gumanda na ang takbo ng buhay mo.ALAM MO RIN NAMANG HINDI KA TUMIGIL SA ...
21/09/2025

Huwag kang magtaka kung paggising mo ay biglang gumanda na ang takbo ng buhay mo.

ALAM MO RIN NAMANG HINDI KA TUMIGIL SA PAGDARASAL AT PAGTAWAG SA KANIYA. 🧡



ALAM MO BA? Ang Alzheimer’s ay isang sakit sa utak na unti-unting nakaaapekto sa pag-iisip at asal ng tao, kung saan mas...
20/09/2025

ALAM MO BA? Ang Alzheimer’s ay isang sakit sa utak na unti-unting nakaaapekto sa pag-iisip at asal ng tao, kung saan mas nanganganib ang mga edad 60 pataas, may kasaysayan ng Alzheimer’s sa pamilya, may altapresyon o sakit sa puso, obese o may diabetes, at nagkaroon ng pinsala sa ulo.

Huwag ipagwalang-bahala ang mga panganib, kumonsulta agad upang mapangalagaan ang kalidad ng buhay ng ating mga mahal sa buhay. 🧡



Ang inyong pasasalamat, ang aming inspirasyon, Ate Keyce! 🧡Sa bawat kwento ng paggaling, mas lumalalim ang ating dedikas...
19/09/2025

Ang inyong pasasalamat, ang aming inspirasyon, Ate Keyce! 🧡

Sa bawat kwento ng paggaling, mas lumalalim ang ating dedikasyon bilang inyong kaagapay sa kalusugan at paghilom dito sa Quezon Medical Center.



LIBRENG OPERASYON KONTRA GALLSTONES, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA QPHN–QMC 🧡Ngayong araw, isinakatuparan sa QPHN–Quezon Me...
19/09/2025

LIBRENG OPERASYON KONTRA GALLSTONES, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA QPHN–QMC 🧡

Ngayong araw, isinakatuparan sa QPHN–Quezon Medical Center (QMC) ang Operation Day para sa Cholelithiasis Caravan 2025, kung saan isinagawa ang libreng operasyon sa mga pasyenteng na-admit noong Setyembre 17. Mula sa sakit at pangamba na dulot ng gallstones, ngayon ay binigyang-daan ang pagkakataong makapamuhay nang magaan at walang iniindang karamdaman.

Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng pagtutulungan at dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan at ng buong medical team ng QMC. Mula sa mga surgeon, anesthesiologists, nars, at staff, bawat isa ay nagbigay ng oras, kasanayan, at malasakit upang matiyak ang kaligtasan at paggaling ng mga pasyente.

Ang Cholelithiasis Caravan ay hindi lamang programang medikal. Isa itong paalala na may mga kamay na handang tumulong, may pusong handang magmalasakit, at may serbisyong nagbubukas para sa kalusugan at paghilom ng bawat Quezonian.



MALIIT NA HAKBANG, MALAKI ANG AMBAG SA ATING KALUSUGAN 🚶‍♀️🚴‍♂️🧡Kung malapit lang ang pupuntahan, piliing maglakad o mag...
19/09/2025

MALIIT NA HAKBANG, MALAKI ANG AMBAG SA ATING KALUSUGAN 🚶‍♀️🚴‍♂️🧡

Kung malapit lang ang pupuntahan, piliing maglakad o mag-bike. Bukod sa mas mainam ito para sa iyong kalusugan, nakatutulong pa itong mabawasan ang polusyon at mapangalagaan ang ating kapaligiran.



17/09/2025

Sa mga katulad ni Nanay Aleli, na paulit-ulit nang nakaranas ng serbisyo ng Quezon Medical Center, dama ang malinaw na pagbabago sa sistema at alaga ng ospital. Ang kanyang kuwento ay isang simpleng paalala na ang mga pagbabagong ginagawa natin ay may tunay na epekto sa buhay ng bawat pasyente.



DEPARTMENT OF PEDIATRICS, PINAIGTING ANG PAGSASANAY SA INFECTION PREVENTION 🧡Bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng ...
17/09/2025

DEPARTMENT OF PEDIATRICS, PINAIGTING ANG PAGSASANAY SA INFECTION PREVENTION 🧡

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng serbisyo, matagumpay na isinagawa ang Pediatric Infectious Disease Control Workshop na pinangunahan ng Department of Pediatrics katuwang ang Infection Prevention and Control Unit (IPCU).

Dumalo rito ang iba’t ibang medical personnel, mga doktor, nars, at hospital staff, upang pagtibayin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagkontrol at pag-iwas sa impeksyon, isang mahalagang aspeto sa pagbibigay ng ligtas na pangangalaga lalo na para sa mga bata.

Tinalakay sa workshop ang mga pangunahing paksa:

-Hand Hygiene at tamang paggamit ng Personal Protective Equipment (PPE)
-Application of Standard Precautions
-Basic Procedures: IV Insertion, Venous Blood Extraction, Foley Catheter Insertion, Wound Dressing, Lumbar Tap, Umbilical Catheter Insertion, Intubation at Suctioning

Kasama rin ang mahahalagang usapin gaya ng:

-Prevention of Needlestick Injuries
-Proper Attire in High-Risk Areas
-Proper Waste Disposal
-Disinfection at Sterilization
-Care Bundles
-Isolation Precaution

Higit pa sa dagdag na kaalaman, ang workshop ay nagsilbing pagpapatibay ng dedikasyon ng ospital sa ligtas, de-kalidad, at may malasakit na serbisyong medikal.



QPHN-QMC NAGSAGAWA NG ADMISSION PARA SA CHOLELITHIASIS CARAVAN 2025 🧡Mahigit 30 pasyente ang opisyal na na-admit ngayong...
17/09/2025

QPHN-QMC NAGSAGAWA NG ADMISSION PARA SA CHOLELITHIASIS CARAVAN 2025 🧡

Mahigit 30 pasyente ang opisyal na na-admit ngayong araw para sa Cholelithiasis Caravan 2025 ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), isang mahalagang hakbang tungo sa kanilang paggaling at mas maayos na kalusugan.

Ang Cholelithiasis Caravan ay programang nakatuon sa pagtukoy at paggamot ng mga pasyenteng may gallstones o bato sa apdo, isang kondisyon na maaaring magdulot ng matinding pananakit, impeksyon, at komplikasyon kapag napabayaan. Sa pamamagitan ng libreng admission at operasyon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga pasyente na muling makapamuhay nang maginhawa at walang iniindang sakit.

Sa likod ng matagumpay na aktibidad ay ang pagtutulungan ng mga doktor, nars, at kawani ng ospital na buong-pusong naglaan ng kanilang oras at kasanayan. Patunay ito sa dedikasyon ng QPHN-QMC na maghatid ng ligtas, de-kalidad, at may malasakit na serbisyong medikal.

Higit pa sa admission at nalalapit na operasyon, dala ng inisyatibang ito ang bagong pag-asa at kaginhawaan para sa mga pasyente, isang paalala na ang QPHN-QMC ay patuloy na katuwang ng bawat Quezonian sa laban para sa mas mabuting kalusugan at mas maayos na paghilom.



Patuloy na sumisigla ang iyong kalusugan habang lumalayo ka sa to***co. 🧡
16/09/2025

Patuloy na sumisigla ang iyong kalusugan habang lumalayo ka sa to***co. 🧡



CEREBRAL PALSY AWARENESS WEEK 🧡Ang bawat indibidwal na may Cerebral Palsy ay may kakayahan, pangarap, at galing na dapat...
16/09/2025

CEREBRAL PALSY AWARENESS WEEK 🧡

Ang bawat indibidwal na may Cerebral Palsy ay may kakayahan, pangarap, at galing na dapat pahalagahan. Panahon na upang mas palakasin ang pagtanggap at pagkilala, dahil ang pagkakaiba ay hindi sagabal, ito ang nagbibigay kulay sa ating komunidad.



Address

Quezon Avenue Ext. , Barangay XI
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category