Luuk District Hospital- Ibadah Friendly Hospital Program

Luuk District Hospital- Ibadah Friendly Hospital Program Government Institution

Eid mubarak! From your LuukDistrict Hospital family...😊😊
31/03/2025

Eid mubarak! From your LuukDistrict Hospital family...😊😊

30/03/2025

Eid Mubarak! May Allah SWT accept our good deeds.. Luuk Hospital Triage Ldh Ldh Labortory Ldh Radiology LuukDistrict Hospital

19/03/2025
03/03/2025

𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓, 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐈𝐍𝐈𝐆𝐀𝐑𝐈𝐋𝐘𝐎 𝐀𝐓 𝐕𝐀𝐏𝐄 𝐒𝐀 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀

Naglabas ng Memorandum Circular ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Enero 30, 2025, na nag-uutos ng ganap na pagbabawal sa paninigarilyo at paggamit ng v**e sa lahat ng opisina at ahensya ng gobyerno sa rehiyon.

Alinsunod ito sa mga pambansang regulasyon tulad ng CSC Memorandum Circular No. 17 (2009), Republic Act 11900, at Executive Order No. 26 (2017).

Layon ng patakarang ito na protektahan ang kalusugan ng publiko mula sa masamang epekto ng second-hand smoke, na kilalang nagdudulot ng kanser, sakit sa puso, at iba pang karamdaman sa paghinga. Hinihikayat din ng pamahalaan ang mga empleyado na tumigil sa paninigarilyo para sa mas ligtas at mas produktibong kapaligiran sa trabaho.

28/02/2025

PAMAHALAYAK:
Piyamahayak na sin M***i taniyu Ustadz Sharif Jul Asiri Abirin: In Puasa taniyu ha Ramadhan 1446/2025 tumagna' ha adlaw ahad (March 02, 2025).

28/02/2025

Assalamu 'alaikum wa rahmatullahi wa barakatuh!

JUST IN | The Bangsamoro Darul-Ifta’-BARMM formally pronounces that 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒐𝒐𝒏 𝒉𝒂𝒔 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆𝒆𝒏 𝒔𝒊𝒈𝒉𝒕𝒆𝒅 tonight. Therefore, the 1st day of Ramadhan will be on Ramadhan 01, 1446H | March 02, 2025 (Sunday). This result has been properly conducted by the official Moon Sighting Team spearheaded by the Bangsamoro M***i, Sheikh Abdulrauf A. Guialani.

O Allah! Save me (from sins) in the month, and make me reach Ramadan, and accept from me the (worships) of this month. اَللّٰهُمَّ سَلِّمْنِي مِنْ رَمَضَانَ، وَسَلِّمْ رَمَضَانَ لِي، وَتَسَلَّمْهُ مِنِّي مُتَقَبَّلًا

May this Holy Month of Ramadhan bring peace, mercy and blessings upon us.

Advance Ramadhan Mubarak!

13/02/2025

DETALYADONG PAGLILINAW UKOL SA HATOL NG

Maraming Defination (Kahulugan) ng Family Planning ang binabanggit ng mga Doctor.

👉 Magkagayun pa man, ANG HATOL NG FAMILY PLANNING AY NASA DALAWANG KALAGAYAN:

#1.) 'L: Ibig Sabihin ay magpapasya ang mag-asawa kung ilang Anak ang kanilang bubuuin o ipapanganak.

HALIMBAWA: Magpapasya sila na Tatlong Anak lamang, at pagkaraan nito ay magcocontrol na sila o di kaya'y magpapa 'LIGATION' ang babae para hindi na s'ya manganak. At minsa'y pinapalaglag nalang ang pinagbubuntis (Abortion) kapag nasalungat ang plano.

👉 ITO'Y SA ISLAM.

At ito ang madalas na tinutukoy ng mga Hindi mananampalataya sa Family Planning.

Maraming Factor o Dahilan kung bakit nila ito ginagawa. At ang mga Dahilan na ito ay pawang makamundong dahilan lamang sanhi ng kawalan ng pananampalataya.

At isa sa pangunahing dahilan ay ang Takot o Pangamba na baka Hindi kayang buhayin ang Pamilya.

👉 ANG GANITONG PANANAW AY SUMASALUNGAT SA MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA SA RELIHIYONG ISLAM.

Nasasalungat nito ang Katuruan sa Islam ukol sa pagpaparami ng Supling at ang pananalig at pagtitiwala kay Allah bilang tagapanustos.

At gayun din na ipinagbawal ni Allah na paslangin ang anak dahil lamang sa takot o pangamba sa Kahirapan o di kaya'y pangamba na baka hindi kayang buhayin ang Anak.

• SINABI NI ALLAH:

وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُمۡ خَشۡيَةَ إِمۡلَٰقٖۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُهُمۡ وَإِيَّاكُمۡۚ إِنَّ قَتۡلَهُمۡ كَانَ خِطۡـٔٗا كَبِيرٗا

" At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak sanhi ng pangamba sa kahirapan. Kami ay magkakaloob ng panustos sa kanila, at sa inyo. Katotohanan, ang pagpatay sa kanila ay isang malaking kasalanan." [Isra':31]

Kaya ang Family Planning na ito ay HARAM o Ipinagbawal sa Islam.

#2.) 'L: Ang kahulugan nito ay ang pagplano ng mag-asawa na sa kada dalawa o tatlong taon sila bubuo ng Anak, pero wala silang plano na putulin ang panganganak ng babae At Hindi sila nangangamba sa Kahirapan.

: Kakausapin ng Babae ang kanyang asawa na every 2 or 3 years sila bubuo ng Anak, sa Kadahilanang nahihirapan ang babaeng manganak kung kada taon ayon sa payo ng Doktor, o di kaya'y mahihirapan sya sa pag-aalaga ng mga bata kung kada taon lalo na kung CS (Cesarean delivery) ang panganganak ng Babae.

👉 ANG HATOL NITO AY o IPINAHINTULOT SA ISLAM.

Sa kadahilanang wala itong nasasalungat sa Islam, dahil hindi naman sila nagpasya na putulin ang panganganak. At ang plano lamang nila ay lagyan ng Agwat ang panganganak ng asawang babae dahil sa Valid Reason (o Medical Reason) katulad kung may pinsalang idudulot sa babae kung kada taon manganganak o di kaya'y nahihirapan sya sa pag-aalaga kung kada taon, lalo na kung CS ang babae.

Kaya, ito'y ipinahintulot sa Islam.
______________________________________

:

: Ustad anong Hatol po ng pag- gaya ng paggamit ng Condom, withdrawal o ang pag-inom ng Pills.

• SAGOT: Ayon sa Ating natalakay, ito'y babalik sa Intensyon ng mag-asawa.

Kung ang intensyon nila ay ang Family planning (Tahdiid Annas'l) dahil sa takot o pangamba nila sa Kahirapan, ito'y HINDI PWEDE O HARAM.

Kung ang intensyon naman nila ay ang TANDHIIM ANNAS'L ( #2) na ating natalakay na kung saang mahihirapan ang babae kung kada taon manganganak o di kaya'y may pinsalang idudulot sa babae kung kada taon mabubuntis, sa ganitong kalagayan ay PWEDE ang pagcocontrol.

Ang patungkol naman sa Pills ay kailangang Hindi nakakapinsala (walang Side Effect) sa babae at kailangang sa kapahintulutan ng lalake.

: Ano po ang Hatol ng ' ' ?!

SAGOT:

Ang ibig sabihin ng 'LIGATION' ay isang Procedure para mahinto na ang panganganak ng Babae, (Pinuputol at tinatali ang anurang tubo).

👉 ANG HATOL NITO AY NASA DALAWANG KALAGAYAN:

1.) Kung ang intensyon nila ay ang Family Planning ( #1) na kung saang wala naman silang Medical Reason, bagkus dahil lamang sa Takot sa Kahirapan, ang Hatol nito ay HARAM. Gaya ng ating natalakay sa #1.

2.) Kung ang mag-asawa ay may TUNAY NA DAHILAN (MEDICAL REASON).

Halimbawa: Pagkaraang manganak ng Babae ng ika-apat o ika-lima ay sinabi ng Mapagkakatiwalaang Doctor sa asawang lalake na " HINDI NA PWEDE MABUNTIS ANG IYONG ASAWA DAHIL MAPIPINSALA S'YA KUNG MABUNTIS ULIT SA KADAHILANANG MASYADO NANG MANIPIS ANG KANYANG MATRIS (UTERUS).. " o Di kaya'y iba pang Medical Reason.

Sa Puntong ito ay IPINAHINTULOT NG ISLAM ANG LIGATION DAHIL SA "DARAR" o Pinsala at kapahamakan na idudulot sa buhay ng Babae.

Pero kailangan na ang Doctor ay mapagkakatiwalaan ukol sa kanyang pahayag. Maaaring ang mag-asawa ay humingi ng Advice sa ibang Dr. para sila'y makatiyak.

SANA'Y NAGING MALINAW.

DAGDAGAN PA NAWA NI ALLAH ANG ATING KAALAMAN SA ISLAM. Ámeen Ya Rabb.

✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah
Qassim University, KSA

Address

Allayon Street, Tubig Putih, Sulu
Luuk
7404

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Luuk District Hospital- Ibadah Friendly Hospital Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Luuk District Hospital- Ibadah Friendly Hospital Program:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram