22/06/2022
PAANO ALAGAAN ANG ATING MGA KIDNEYS?
âś…Ngayong JUNE ay ipadiriwang sa Pilipinas ang NATIONAL KIDNEY MONTH Ito ay celebration ng pagkakaroon ng AWARENESS SA KIDNEY HEALTH AT KIDNEY DISEASES
âś… Mahalaga ang ating mga kidneys sa pagpapanatili ng ating kalusugan. Dapat lang na alagaan natin sila upang makaiwas tayo sa pagkakaroon ng CHRONIC KIDNEY DISEASE.
âś… Ang pag-alaga sa mga kidneys ay hindi nangangailangan ng mga special na supplements, gamot o mga teknolohiya. Kung susundin ang 8 GOLDEN RULES NG PARA SA MALUSOG NA MGA BATO, tiyak na laging healthy ang inyong kidneys:
1. MAG-EXERCISE - napapanatili nito ang tamang timbang at napapababa ang risk ng heart disease
2. KUMAIN NG HEALTHY DIET - ang pagkain ng maraming prutas at gulay, at pagbabawas ng asin sa diet ay nakakatulong mapanatili ang blood pressure.
3. CHECK AND CONTROL BLOOD SUGAR - ang diabetes ang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng CKD. Magpacheck ng blood sugar at uminom ng mga gamot kung ikaw ay diabetic.
4. CHECK AND CONTROL BLOOD PRESSURE - ang hypertension ay isa sa mga karaniwang sakit na nagdudulot ng CKD. Laging panatilihin ang BP sa 140/90 o mas mababa pa. Laging uminom ng gamot kung ikaw ay high-blood.
5. UMINOM NG TUBIG - Mahalaga na laging hydrated ang katawan. Uminom ng 8-10 na baso ng tubig everyday (kung walang ibang sakit gaya ng sa puso)
6. ITIGIL ANG PANINIGARILYO - Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng paglapot ng dugo at pagkakaroon ng mga sakit sa arteries na pwedeng makaapekto sa kidneys
7. HUWAG ABUSUHIN ANG MGA GAMOT - Ang mga pain relievers at ibang mga supplements ay nagtataglay ng mga chemicals na nakakasira sa kidneys. Sundin ang reseta ng doktor sa paginom ng mga gamot.
8. REGULAR SCREENING at CHECKUP - Kung ikaw ay may diabetes, high blood o may lahi ng sakit sa bato sa pamilya, magpacheckup at screening ng kidney function regularly upang mamonitor ang lagay ng mga kidneys
â–¶ Mag SUBSCRIBE sa aking YouTube Channel sa https://bit.ly/hellokdney for more videos on kidney health and diseases.