26/12/2022
Alam mo ba?
Pwedeng macomatose at mamatay ang isang taong may diabetes kapag hindi nakontrol ang kanyang blood sugar?
Ang diabetic coma ay isang life-threatening na komplikasyon mula sa diabetes kung saan ang isang tao ay nawawalan ng malay. Pwede itong mangyari kapag sobrang taas o sobrang bagsak ang blood sugar. Kapag nagkaroon ka ng diabetic coma, buhay ka pa pero hindi ka magising o hindi ka nagrerespond sa tawag o paggising sa iyo. Kapag hindi ito nagamot, maaari itong ikamatay.
Ang mga sintomas na sobrang taas ng iyong blood sugar ay uhaw na uhaw, ihi nang ihi, pagod, nahihilo at nasusuka, hirap huminga, masakit ang tiyan, amoy prutas ang hininga, tuyo ang bibig at sobrang bilis ng tibok ng puso. Ang mga sintomas na sobrang bagsak ng iyong blood sugar ay nanginginig, kinakabahan, balisa, pagod, nanghihina, pinagpapawisan, nagugutom, nahihilo, hirap magsalita at nalilito.
Kaya mahalaga po sa mga diabetic na gumagamit ng insulin na magmonitor ng blood sugar sa bahay para alam ninyo kung mataas, tama, o bagsak ang iyong blood sugar bago magturok ng insulin.
Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, itest ang iyong blood sugar at sundina ng iyong gamutan. Kapag lalong lumala ang nararamdaman, pumunta agad sa pinakamalapit na hospital.
by Doktor Doktor Lads
Sa mga nais pong gusto mag pa 2nd opinion, meron po kaming FREE CONSULTATION with our Naturopathy Doctor Libre po ang consultation at libre din pong binibigay ni Doc Atoie ang Nutritional Guidelines na maaaring makatulong po sa sakit nyo. I will gladly assist you po sa process ng consultation. Please send me a message 😊