
25/07/2025
🚨 BABALA SA LEPTOSPIROSIS🚨
Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis.
Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.
Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon.
🏥 Pumunta sa pinaka malapit na Barangay Health Center, Rural Health Unit o Ospital kung ikaw ay may sintomas o lumusong sa tubig baha upang maiwasan ang LEPTOSPIROSIS.