20/05/2026
✨ Serbisyong Umaabot, Malasakit na Walang Hangganan! 🏥🧡
Patuloy na inilalapit ng Maddela District Hospital ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad sa pamamagitan ng MDH on Wheels: KALUSUGAN SEALS and YAKAP Caravan, na matagumpay na naisagawa sa mga barangay ng Anak, Landingan, Nagtipunan, at Divisoria Sur, sa Maddela, Quirino. Sa pamamagitan ng gawaing ito, naihatid ang libreng serbisyong medikal at mahalagang kaalaman tungkol sa PhilHealth YAKAP Program, upang mas maunawaan ng ating mga kababayan ang mga serbisyong maaari nilang ma-avail para sa kanilang kalusugan. Kasabay nito, matagumpay ring naisagawa ng Provincial Government of Quirino ang I Love Quirino: Cash Aid for Recovery and Essential Support (CARES) sa barangay Anak at Landingan, Nagtipunan, Quirino, bilang karagdagang tulong at suporta sa ating mga kailyan. Patunay ng patuloy na pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa pangunguna nina Chief of Hospital Dr. Ronaldo E. Sanchez at Dra. Ann Christine Almueda-Duldulao, Administrative Officer – OIC, patuloy ang dedikasyon ng buong MDH team na maihatid ang dekalidad at may pusong serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Provincial Government of Quirino, sa pamumuno ni Governor Dakila Carlo E. Cua, at kay Congresswoman Midy N. Cua, sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Quirinian.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga barangay officials ng Anak, Landingan, Nagtipunan, at Divisoria Sur, Maddela, Quirino sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito.
📍 MDH on Wheels: KALUSUGAN SEALS and YAKAP Caravan