16/02/2025
‼️Ano ang Bulutong tubig/ Chickenpox/ Tuko?
- Ito ay sakit na dulot ng virus (varicella-zoster virus).
‼️Sintomas ng Bulutong:
- rashes o butlig/ paltos na may tubig na mabilis kunalat sa katawan,
-Lagnat, pananakit ng katawan, at pangangati.
‼️Paano ito Nakakahawa?
-Nakukuha ang bulutong sa pamamagitan ng hangin( airborne) o direktang kontak sa mga paltos.
Nakakahawa ang bukutong tubig mula 1-3 araw bago magkaroon ng rashes hanggang may scabs o langib
-Madaling kumalat sa mga hindi pa nagkaroon o hindi nabakunahan laban dito.
‼️Paano Iwasan ang Bulutong?
-Magpabakuna laban sa bulutong (Varicella vaccine).
-Iwasan ang kontak sa mga taong may bulutong, lalo na kapag may mga paltos pa, hangga’t hindi pa nahuhulog ang mga scabs/ langib
-Palaging maghugas ng kamay at iwasan ang paghahawak sa mata, ilong, o bibig.
‼️Ano ang Dapat Gawin Kapag May Sintomas?
-Magpatingin agad sa doktor.
-Panatilihing malinis ang katawan at mga sugat.
- Iwasang manghawa, kaya’t manatili sa bahay hanggang ganap na gumaling o matanggal ang mga scabs/ langib
‼️Komplikasyon ng Bulutong:
-Maaaring magdulot ng komplikasyon, tulad ng pneumonia, impeksyon sa utak (encephalitis), at iba pa.
- Mataas ang panganib sa mga buntis, bagong silang na sanggol, at may mga malalang sakit.
- Peklat or pag-uka ng balat
‼️Pagpapahalaga sa Bakuna:
- Ang bakuna sa bulutong ay ligtas at epektibo sa pagpigil ng sakit.
- Mahalaga ang pagbabakuna upang maprotektahan ang sarili at ang komunidad laban sa pagkalat ng virus.
Magpabakuna, mag-ingat, at magtulungan upang mapigilan ang pagkalat ng bulutong!