Magsaysay OcM Disease Surveillance Unit

Magsaysay OcM Disease Surveillance Unit Magsaysay Occidental Mindoro Disease Surveillance Unit

For more information contact
#0995-515-2927

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐—œ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฝ๐—ผ๐˜…Ayon sa Department of Health (DOH), ang MPOX (dating kilala bilang monkeypox) ay ...
28/05/2025

๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐—œ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฝ๐—ผ๐˜…

Ayon sa Department of Health (DOH), ang MPOX (dating kilala bilang monkeypox) ay isang zoonotic na sakit na dulot ng monkeypox virus, na kabilang sa genus na Orthopoxvirus. Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa balat, pagtalsik ng likido mula sa bibig o ilong, at pagdikit sa mga kontaminadong bagay.

Ang pangunahing sintomas ng Mpox ay pantal o blisters sa balat, kasabay ng lagnat, pananakit ng katawan, pamamaga ng kulani, at panghihina.

Mahalagang magpakonsulta agad kung may sintomas. Ugaliin ang kalinisan, paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa matataong lugar upang maprotektahan ang sarili at komunidad. Manatiling mapagbantay at sundin ang prescribed minimum health protocols.

Narito ang mga kaalaman tungkol sa MPOX at ang pagkakaiba nito sa Chickenpox at Measles.

BASAHIN ๐Ÿ”ฝ๐Ÿ”ฝ๐Ÿ”ฝ

FIREWORKS-RELATED INJURY 2024Naitala ngayong araw ang pangalawang (2) kaso ng Fireworks-Related Injury (Boga) na nagmula...
30/12/2024

FIREWORKS-RELATED INJURY 2024

Naitala ngayong araw ang pangalawang (2) kaso ng Fireworks-Related Injury (Boga) na nagmula sa Barangay Caguray, Magsaysay.

Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag-ingat at iwasan ang pag gamit ng anomang kalse ng paputok katulad ng Boga dahil ito ay pinagbabawal.

Maaring gumamit ng mga alterbatibong pangpaingay sa pagsalubong ng bagong taon.

Katulong ang ating mga Barangay Officials at lider ng komunidad, kaya nating gawing ligtas at masaya ang pagsalubong ng Bagong Taon. Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa kooperasyon ng buong komunidad.

Para sa mga emergency, tumawag sa Magsaysay DRRMO Hotline 09155216634 , 09099653531 at sa MHO Magsaysay Hotline +639307500592




FIRE CRACKER RELATED INJURY 2024naitala na sa Bayan ng Magsaysay ang Unang (1) biktima ng paputok kahapon December 26, 2...
27/12/2024

FIRE CRACKER RELATED INJURY 2024

naitala na sa Bayan ng Magsaysay ang Unang (1) biktima ng paputok kahapon December 26, 2024.

Ang paputok ay maaaring magdulot ng pagkabulag o seryosong pinsala sa mata. Ingatan ang sarili at inyong pamilya. ๐Ÿ™

๐ŸŽ†๐Ÿšซ Gumamit ng alternatibong paingay at pailaw .

Katulong ang ating mga Barangay Officials at lider ng komunidad, kaya nating gawing ligtas at masaya ang pagsalubong ng Bagong Taon. Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa kooperasyon ng buong komunidad.

Para sa mga emergency, tumawag sa Magsaysay DRRMO Hotline 09155216634 , 09099653531 at sa MHO Magsaysay Hotline +639307500592




Mayroon ng 4 (APAT) na kumpirmadong kaso ng PERTUSSIS ang PROBINSYA ng OCCIDENTAL MINDORO (Mula sa Bayan ng Mamburao, Ca...
15/04/2024

Mayroon ng 4 (APAT) na kumpirmadong kaso ng PERTUSSIS ang PROBINSYA ng OCCIDENTAL MINDORO
(Mula sa Bayan ng Mamburao, Calintaan, Paluan at Sablayan).

Patuloy na pinag iingat ang ating mga kababayan sa pagkalat ng PERTUSSIS.

ANO NGA BA ANG PERTUSSIS?
Ang sakit na Pertussis ay lubhang nakakahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa hanggang sa labing-walong (18) katao, bata man o matanda. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Agad na komunsulta sa pinakamalapit na health center kung nakakaranas ng malubhang pag-ubo, pangingitim o pag-kulay asul, o hirap sa paghinga!

Pabakunahan na ang mga batang 6 na linggo hanggang 23 buwang gulang sa ating Health Center para Chikiting Ligtas, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!




Ang batang bakunado, protektado! Ang sakit na Pertussis ay lubhang nakakahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa. ...
21/03/2024

Ang batang bakunado, protektado!

Ang sakit na Pertussis ay lubhang nakakahawa. Ang isang maysakit ay maaaring makahawa. Ang bakuna kontra Pertussis ay makakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng malubhang mga komplikasyon mula sa Pertussis na nakakamatay lalo na sa mga sanggol.

Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Agad na komunsulta sa pinakamalapit na health center kung nakakaranas ng malubhang pag-ubo, pangingitim o pag-kulay asul, o hirap sa paghinga!

Pabakunahan na ang mga batang 6 na linggo hanggang 23 buwang gulang para Chikiting Ligtas, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!


Fireworks-Related Injury Surveillance Report 2023Bayan ng Magsaysay, OccidentalAs of December 29, 2023Mayroon po tayong ...
30/12/2023

Fireworks-Related Injury Surveillance Report 2023
Bayan ng Magsaysay, Occidental
As of December 29, 2023

Mayroon po tayong 2 New Cases Reported ito po ay dulot ng pag gamit ng Boga.

Patuloy pong pinapaalalahanan ang lahat ng Magsaysayens na mag ingat ngayong paparating na Bagong taon. Doble ingat po tayo sa pag gamit ng kahit anong uri ng ng paputok upang maiwasan ang mga injury related sa mga ito.

Address

JP Laurel Street, Barangay Poblacion, Magsaysay
Magsaysay
5101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Magsaysay OcM Disease Surveillance Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Magsaysay OcM Disease Surveillance Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram