30/10/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Isang matagumpay na ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐ค-๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ang isinagawa noong Oktubre 27, 2025 sa Municipal Gymnasium, Magsaysay, Occidental Mindoro, na pinangunahan ng Provincial Health Office sa pamumuno ni Dr. Romualdo M. Salazar, Jr. (PHO II), katuwang ang Provincial DOH Office of Occidental Mindoro sa pamumuno ni Dr. Arlene S. Sy (Head-PDOHO), at ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Magsaysay sa pamumuno ni Mayor Cesar M. Tria, Jr.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kampanya sa pagbabakuna sa pamamagitan ng opisyal na pagpapakilala sa mga bagong sanay na Bakuna Champions sa publiko. Ibinahagi ni Dr. Lordivino Mesina ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga vaccine-preventable diseases at ang mga bakunang kailangang matanggap ng bawat bata upang maituring na fully immunized. Tampok sa programa ang pagkakaloob ng simbolikong vest at ID sa bawat Bakuna Champion bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel bilang mga katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kalusugan at pagbabakuna sa barangay.
Ang aktibidad ay malugod na sinuportahan ng mga kawani ng LGU Magsaysay na sina Vice Mayor Benfranson F. Benoza, Dr. Gerardo Agupitan, Jr., Dr. Lordivino Mesina, SB Eduardo Lorenzo, Jr., at SB Edmund Bonus, na nagpaabot ng kanilang buong suporta at paghanga sa dedikasyon ng mga Bakuna Champions. Ang kanilang presensiya ay patunay ng matibay na ugnayan at kooperasyon ng lokal na pamahalaan sa mga programang pangkalusugan, lalo na sa pagpapalaganap ng tiwala sa bakuna.
Nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan, inspirasyon, at hamon ang ilang piling Bakuna Champions, kasunod ng kanilang panunumpa ng katapatan bilang sagisag ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod. Ang aktibidad ay mainit na tinanggap ng mga residente ng Magsaysay at nagsilbing makasaysayang hakbang tungo sa mas ligtas, mas protektado, at mas malusog na Occidental Mindoro!
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข!
๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐, ๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก ๐ฃ๐!