21/07/2023
ANO NGA BA ANG UBO?
Parang bumubusina na naman ba ang baga ninyo sa paulit-ulit nitong pagkati at pag-ingay sa umaga, tanghali at gabi? Baka UBO na ‘yan!
Ang UBO ay sintomas ng mga sakit na maaaring konektado sa daluyan ng paghinga o baga, at maaaring magkaiba ayon sa “virus” o “bacteria” na nagdulot nito.
MGA SANHI NG UBO:
May iba’t-ibang sanhi ang ubo at dahil dito ay nagkakaiba-iba rin ang lunas nito. Para sa kaunawaan ng lahat, ang ubo ay maaaring dulot ng virus o bacteria. Kung ito ay dulot ng virus, o iyong pagkahawa, maaari itong mawala ng kusa sa loob ng isang araw o isang linggo. Ngunit kung ito nama’y dulot ng bacteria, kadalasa’y nangangailangan na ito ng antibiotics. Subalit may mga uri rin ng ubo na malubha gaya ng ubong tumatagal, o chronic cough, na maaaring dulot ng tuberculosis (TB). Hindi rin basta-bastang nawawala ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) o ubong sanhi ng hika o asthma. Mayroon din namang ang ubo ay dulot ng paninigarilyo (smoker’s cough), trangkaso, o allergy. Sa puntong ito, importanteng malaman muna ang sanhi ng ubo bago humanap o gumawa ng solusyon upang puksain ito.
MGA KATANGIAN NG UBO:
Hindi lang basta-basta ang UBO. Mayroong iba’t ibang uri ng ubo at importanteng malaman anong uri ng ubo ang nararanasan mo para makakuha ng wastong gamot para rito.
DRY COUGH (TUYONG UBO):
Ang DRY COUGH o tuyong ubo ang isa sa pinakapangkaraniwang uri ng ubo sa Pilipinas. Nararanasan ito kapag sinisipon ang isang tao o kaya’y nakakaranas ng trangkaso. Nangyayari ang dry cough kapag walang plema o ang tinatawag na mucus sa lalamunan. Ang epektibo at abot-kayang gamot sa matigas na ubo ay GUAIFENESIN o kaya Lagundi syrup na mahahanap sa lahat ng The Generics Pharmacy branches nationwide.
WET COUGH (BASANG UBO/MAPLEMANG UBO):
Ang WET COUGH naman ay ubo na nanggagaling sa baga imbis na sa lalamunan lamang. Ito’y sinasamahan ng plema na mahirap ilabas. Ang wet cough ay sanhi ng isang impeksyon tulad ng trangkaso, sipon, or mas malubhang impeksyon sa baga. Pag dating sa wet cough, hindi mo na kailangan mag-alala dahil may mga paraan kung paano palabasin ang plema sa baga. Kinakailangan lang ng cough drops , Carboceisteine o kaya’y over-the-counter pain relievers. Kung ang sanhi nito ay bacterial infection, kinakailangan ito gamutin gamit ng antibiotics.
WHOOPING COUGH (MAHALAK NA UBO):
WHOOPING COUGH, o pertussis, ay isang nakakahawang uri ng ubo. Madalas itong nararanasan ng mga bagong panganak na sanggol o kaya naman ng mga taong di pa nababakunahan laban sa whooping cough. Ang sintomas ng whooping cough ay hawig ng sintomas ng trangkaso, ngunit may kasabay ito na malubha at masakit na pag-ubo. Ang pinakamaigi na pang iwas dito ay ang pagbabakuna laban sa WHOOPING COUGH.
CHRONIC COUGH (TALAMAK NA UBO):
Ang CHRONIC COUGH ay may sintomas na mas matagal kumpara sa pangkaraniwang ubo, kadalasa’y lalagpas ng 8 linggo. Madalas ito’y sintomas ng mas malalang karamdaman na hindi naaagapan. Kung nakakaramdam ka ng chronic cough, agad na magpatingin sa iyong doktor para malaman ang tunay na sanhi ng iyong ubo. Ang chronic cough ay puwedeng maging epekto ng paninigarilyo, pulmonya, kanser, or impeksyon sa baga.
ANO ANG LUNAS SA KARANIWANG UBO?
Para sa karaniwang ubo, maaaring uminom ng gamot na mabibili sa botika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga decongestant na tumutulong upang paginhawain ang iyong lalamunan tulad ng pseudoephedrine at phenylephrine. Maaari ding uminom ng expectorant na inirerekomenda para sa may halak, halimbawa ng gamot na ito ay DEXTROMETHORPHAN.
Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili sa botika ng hindi nangangailangan ng reseta, gayunpaman, mas mabuti nang mabigyan ng abiso ng doktor o nars upang mas maging epektibo ang pag-inom ng mga gamot na ito. Bukod pa rito, marapat lamang na tandaan na hindi nakabubuti sa katawan ang madalas o sobrang pag-inom ng gamot sapagkat maaari itong magdulot ng allergy, o paghina ng immune system. Tulad ng nabanggit na sa unang bahagi ng artikulong ito, may mga uri pa rin ng ubo na maaaring mawala ng kusa.
TATLONG URI NG GAMOT PANLABAN SA UBO:
Kung ikaw ay bibili sa botika, marapat lamang na iyong malaman ang tatlong uri ng gamot laban sa ubo:
EXPECTORANT:
Ang EXPECTORANT ay isang uri ng gamot na kumukontra sa ubo. Tinutulungan nitong ilabas ang plema na bumabara sa iyong lalamunan na siya ring nagdudulot ng iyong ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda sa mga ubong may halak, o iyong pumuputok. Ang kilalang halimbawa ng gamot nito ay ang GUAIFENESIN.
MUCOLYTIC:
Ang MUCOLYTIC ay isang uri ng gamot na ito ay tumutulong sa paglalabas ng plema. Pinalalambot nito ang makapal at malagkit na plema na syang humaharang sa daluyan ng hangin, upang ito’y mas madaling ilabas at tuluyang mawala ang ubo. Karaniwang mabibili ito sa anyo ng mga gamot na MUCOSOLVAN(Ambroxol) at SOLMUX (Carbocistine).
ANTITUSSIVE:
Ang ANTITUSSIVE ay isang uri ng gamot na pumipigil sa ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda kung ang ubo’y nakakasagabal sa pagtulog o nagiging dahilan ng pagiging hindi komportable ng isang tao sa araw-araw niyang gawain. Ito rin ay madalas na ihinahalo sa expectorant para sa mas epektibong lunas. Ang karaniwang halimbawa ng antitussive drug ay DEXTROMETHORPHAN, at ang kilalang tatak nito ay Vicks 44 Cough and Cold at Robitussin Cough.
Para sa mga abo't kaya at mabisang mga gamot jan ka na sa tapat mo 👉 https://www.facebook.com/tgpsamakati
The Generics TGP The Generics Pharmacy - San Antonio, Makati
7767 Saint Paul St. San Antonio Village, Makati City
landmark: near Barangay Hall and Elementary School
Store Hours:
Monday to Sunday: 8am-8pm
The Generics Pharmacy aims to help Filipinos, especially the underprivileged, to gain better access