08/04/2026
December 7, 1941 ng umaga umatake ang mga Hapon ng palihim sa Pearl Harbor, Hawaii. Gabi noong umatake sila sa Pilipinas, unang target nila ang Clark Air Base at nagsimula ang pananakop sa iba't ibang lugar sa Asya. Dahil doon napilitang sumali ang Estados Unidos sa giyera kinalaban pati ang N**i Germany. Nakipagpulong si President Roosevelt ng USA kay Prime Minister Churchill ng Britanya upang planuhin ang giyera. Napagplanuhan nilang unahing isalba ang Europe bago ang Asya Pasipiko. Ito ay sa kadahilanan na hindi lang mapanganib ang pwersa ni Hi**er kundi kung mananalo man ang mga Komyunistang Ruso (USSR) ni Stalin, malalagay din sa kawalan ng kalayaan ang Europa at mas kokonti ang pwersang kakampi ng mga Amerikano at Briton.
Dahil sa desisyong ito, ang mga pwersang Amerikano at mga Pilipino sa bansa ay napabayaan. Dahil sa estratehikong kinalalagyan ng Bataan, doon tinipon ang mga pwersang tagapagtanggol ng bayan upang pigilan ang mga pwersang hapon na isanib sa kanilang imperyo ang malawak na lupain ng Australya. Kapag nasakop ng mga Hapon ang Australya, hindi lang mapapasakamay nila ang mga tao doon kundi pati ang mga kayamanan nito na maaaring magpalakas pa sa kanila lalo. Ang mga Hapon ay brutal. May isang dalagitang Pilipina ang ginahasa nila at pinagmalaki pa nila sa mga sundalong lumalaban sa bataan ngunit imbes na maduwag ang mga Pilipinong sundalo pati ang mga Guerrilla, lalo lang silang tumapang at pumatay ng maraming Hapon. Hindi mabilang ang dami ng kanilang mga sinunog na bahay at mga ginahasang mga kababaihan sa bansa. Ang mga kalalakihan, mga padre de pamilya ay ibinabaon ng buhay litaw lang ang mga ulo habang pinapanood na ginagahasa ang kanilang mga asawa, anak at kapatid. Nagawa ito ng mga sundalong Hapon dahil sa kanilang training Camps noong nasa Japan pa sila, sila ay tinuturuang magalit. Ang mga babait-bait na mga kabataan na pwersadong inialis sa piling ng kanilang pamilya sa edad na 10-13 ay binabatukan ng walang dahilan, sinusuntok bigla, binubuhusan ng mainit na tubig, ginigising habang tulog para lang matutong magalit at tumapang. Binata na ang mga batang iyon noong nasa iba't ibang parte na sila ng Asya.
Isinakripisyo ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang sarili nilang buhay sa mga labanan dito sa Pilipinas lalo na sa bandang Bataan upang mabigyan ng oras ang mga Magkakapanalig na pwersa o Allied Forces upang makapaghanda sa pagbawi ng kasarinlan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at maisalba ang Australya. Dahil dito lumaban ng sagad sa tapang ang mga magigiting na mandirigmang Pilipino at Amerikano sa Bataan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga Briton, taga-Kanada, Olandes din na mga bayaning lumaban sa Bataan.
Sa loob ng tatlong buwan na pakikipaglaban, gamit ang World War 1 na mga armas ng mga Pilipino, sila ay napilitang sumuko. Sumuko sila hindi dahil sa sila ay naduwag o mas kaunti sa kalaban kundi dahil sa kakulangan ng supplies o gamit pandigma pati na rin pagkain at gamot, sapagkat ang mga sundalo hindi lang pumapayat, sila rin ay nagkakasakit. Dahil dito, higit kumulang sa 60-80,000 ang nabihag ng mga Hapon noong Abril 9, 1942, 71 taon na ang nakalilipas (Abril 9, 2013). Umaasa silang tratratuhin na lang sila ng maayos ng mga Hapon ngunit ang ginawa sa kanila ay pinarusahan sapagkat itinuro sa mga sundalong Hapon na ang pagsuko ay isang kahihiyaan. Sila ay dumaan sa Death March 128 kilometrong layo ng walang hintong pagmartsa mula sa Bataan hanggang sa Camp O'Donnell kung saan sila ikukulong. Inabutan nila ang mga sundalong Pilipino at Amerikano doon na nakasabit ng patiwarik, ang isang daliri sa paa ang nakatali at sumusuporta sa buong bigat nila. Sa daan habang sila ay naglalakad, hindi sila pinapakain o pinapainom, hinahambalos pa sila at tinatadyak, kapag nakita kang tumutulong ikaw ay papatayin on the spot, kung hindi ka babarilin, ikaw ay pupugutan ng ulo. May mga mababait na Pilipino ang nag-aabot ng pagkain o tubig ng pasimple sa mga sundalong nagmamartsa, may iba naman ang pasimpleng tumatakas sa mga bukiran. Kung pinapainom man sila, sa mga maruruming tubig putikan pa na may dumi ng kalabaw. Mga 30-50 katao pa ang mga pinapatay bawat araw, ang iba mas pinipili na lang mamatay. Tinatayang 2,500–10,000 Pilipino at 100–650 Amerikano ang mga namatay bago pa lang maka-abot sa Kampo.
Ngunit kung may mga namatay man, may mga nakaligtas na rin sa bandang huli. Fast Forward to 1945, ang tinatawag na The Raid of Cabanatuan o The Great Raid ang isa sa pinaka-matagumpay na rescue operation na isinagawa ng mga Sundalo sa buong kasaysayan ng daigdig. Karamihan kasi ng mga nabihag na sundalo sa Battle of Bataan ay idinala sa Cabanatuan. Ang ibang prison camps gaya ng Los Baños ay sikat din. Sa EveryThink1 na-feature doon ang raid sa Los Baños, naganap naman ng February 23, 1945 kung saan ang mga Airbourne naman ang bida. Sa tanong ko noon na si Valeen Montenegro, Rico Yan at at isa pa kung ano ang something in common nila... ang sagot may ninuno silang beterano sa WW2. Si Mario Montenegro ay bayani sa Los Baños Raid, pagkatapos ng giyera naging Artista rin, samantalang si Rico Yan ang kanyang lolo ay survivor ng Death March. Ngunit ang talakayin natin ngayon ay ang Raid sa Bataan. January 30, 1945 nagdesisyon ang mga Amerikano na isalba ang mga natitirang mga sundalo ng Bataan sa pamamagitan ng kanilang pwersa na magaling sa istratehiya. Ang United States Army Rangers, Alamo Scouts, at sa bandang huli sa tulong ng mga Filipino guerrillas nailigtas nila ang 500 sa mga nakakulong dito.
Dahil sa paparating na si MacArthur sa Luzon upang isalba ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapon, natatakot na ang mga preso na baka sila ay patayin ng tuluyan, dahil sa ibang lugar sinusunog na ng buhay ang mga preso. 48 km ang nilakbay ng higit 100 Scouts at Rangers at mga 100 Pilipino para marating ang kuta na kinaroroonan ng mga Preso. Sa loob lang ng 30 Minuto dahil sa matinding sabay sabay at maayos na pakikipagtulungan, inubos nila ang mga daan-daang pwersang hapon na nagbabantay sa kampo samantalang kakaunti lang ang nasugatan at namatay sa pwersa ng mga Amerikano at Pilipino. Si Kapitan Pajota mismo na isang gerilyang Pilipino ang nakaisip na guluhin ang mga Hapon sa pamamagitan ng pagpapalipad ng P-61 Black Widow sa ibabaw upang makagapang sila papalapit sa kampo, dahil kung hindi sila gagapang at kung walang pampagulong eroplanong ikot ng ikot sa ere, madali silang makikita at tiyak na patay silang lahat. Matagal nang plinano ni Kapitan Pajota at ng isa pang gerilya na si Major Bob Lapham na iligtas ang mga preso ngunit natatakot silang mamataan dahil sa lugar nito, kaya't alam na alam na ng Pilipinong gerilya ang paraan para mailigtas sila. Sa pamamagitan ng matalinong batang kapitan na si Robert Prince, nakabuo sila ng matalinong estratehiya upang mailigtas ang mga preso. Si Robert Prince ay taga Stanford University at isa siya sa mga reserve na sundalong Amerikano. Sa panahon na ito, halos naubos na ang mga kalalakihang sundalo ng mga Amerikano at marami na silang nilalabas na mga reserbang sundalo, karamihan sa kanila mga nakapag-aral sa mga kilalang Unibersidad. Kinailangan ang tulong ng mga gaya nila sapagkat may sekretong plano na ang mga Amerikanong magbagsak ng Bombang Atomika sa Hiroshima at Nagasaki na natuloy noong August 6, 1945. Kailangang mailigtas ang mga preso bago ang Bomba kasi kung mabalitaan nila ang pagbagsak ng Bomba sa Hiroshima, siguradong susunugin din ng buhay ang mga preso.
Ganito ang naging Plano. 14 Alamo Scouts na nahati sa dalawang grupo, 7 bawat isa ang naunang pumasok sa teritoryo ng mga Hapon, sila ang mauuna at susunod ang 90 na Rangers matapos ang isang araw. Ang armas lang nila ay .45, M1 Garand rifles,Thompson submachine guns, granada, kutsilyo, at kaunting bazooka, may iba sa kanila na gumamit ng Browning Automatic Rifle (BAR). Sa kabila ng mga hiling nila gaya ng submarino na pagsasakyan sana ng mga tinatakas nilang mga sundalo, sila ay hindi pinayagan. Sa pagpapalit ng plano, inirekomenda ni Kapitan Pajota na gumamit ng mga Kalabaw na hahatak sa mga sugatan at nagpapayatang mga preso.
Alas-5 ng hapon umalis na ang mga sundalo matapos payagan ni "Little MacArthur" Col. Mucci ang plano na isinagawa ni Capt. Prince. Mga 5:45 ng hapon nakatawid na sila ng Pampanga River. Sina Kapitan Pajota at Joson naman ay dumiretso sa tulay kung saan nila aabangan ang mga Hapon na hahabol sa mga tumatakas na sundalo na may bitbit na mga preso. Sina Capt. Prince ay malapit na sa kampo, mga 640 metro na lang nang ginamit na nila ang pampagulong eroplano para hindi sila pansinin. Alas-sais ng gabi, pinalipad ang eroplanong ito ng mababang mababa na kunwari ay nasisira lang para sa ibabaw tumingin ang mga sundalong hapon at kasabay na hindi nila iisiping balak silang bombahin. Sa bandang huli inamin ni Capt. Prince na napakahalaga ng ginawang distractions ng eroplano kahit pa hindi siya naniniwalang ito ay oobra, dahil ang mga Hapones ay naghihiyawan pa sa tuwa na akala nila makikita nilang sasabog mag-isa ang eroplano. 7:40 ng gabi nagsimula ang putukan, inang pinatomba ang mga bantay na sundalo at ang mga gate ay binuksan. May mga tumatakas pa na mga Hapon pero sila ay pinasabog. Noong marinig ang putukan, sa Kampo malapit sa kulungan nagsidatingan ang mga sundalo na binabantayan ng mga Pilipino, 7:45 ng gabi gaya sa plano, sumabog ang bomba na inilagay ng mga tauhan ni Kapitan Pajota hindi sumabog ng tuluyan ang tulay pero nagiwan ito ng malaking butas para hindi makapasok ang mga naglalakihang tangke. Minasaker ng mga Pilipinong sundalo ang mga pwersang hapon na nagnanais makapunta sa kulungan ng mga POWs. Nakatakas sila gamit ang panghatak na kalabaw ngunit hindi sila mananatiling ligtas kung hindi inubos ng mga sundalong Pilipino ang mga Hapon na nagnanais humabol. Mahaba pa rin ang kanilang nilakbay at mahirap pa rin ngunit hindi ito matutumbasan ang nilakbay nila sa Death March.
Matapos ang bakbakan inestima na may 530 to 1,000 ang napatay na mga sundalong hapon samantalang may dalawang sundalong Amerikano lang ang namatay at walang sundalong Pilipino ang namatay. Dalawa lang ang namatay na mga preso, ang isa ay namatay sa sakit sa puso dahil sa tuwang ililigtas na siya at ang isa ay namatay nung makarating lang sa lugar kung saan dinala ang mga iniligtas, sa Talavera. 4 ang sugatan sa mga Amerikano at may 21 na nasugatan sa mga Pilipino. 2 Tangke naman ang napasabog sa mga pwersang Hapon. Ang mga 200 Pilipinong tropa ni Kapitan Juan Pajota at Kapitan Eduardo Joson ang sumalubong sa mga Hapon sa tulay para pulbusin sila at makadaan ang mga Amerikanong sundalo at mga preso.
Ang pelikulang the Great Raid at marami pang iba pang pelikula ay hinango sa totoong pangyayaring ito na naganap sa Luzon 70 years Ago. Ginanapan nila Benjamin Bratt, James Franco at Cesar Montano ang mga Karakter sa kaganapang ito.
+