Pembo Health Center

Pembo Health Center Consultation for Pembo

25/10/2023

ANNOUNCEMENT: (MAAARI PONG PAKISHARE ANG POST NA ITO)

WHAT: FLU VACCINATION

WHEN: MONDAY TO FRIDAY (8AM-BEFORE 4PM)

WHERE: Pembo Health Center

WHO: PARA SA EDAD 5 YEARS OLD PATAAS (May yellowcard man o wala)

HOW: Pumunta lamang sa Pembo Health Center, kung may yellowcard ay pakidala ito.

NOTE: HINDI NA PO KAILANGAN MAG-QMOBILE, MAG-WALKIN LAMANG PO SA PEMBO HEALTH Pembo Health Center

28/07/2023

ANNOUNCEMENT:PEMBO HC
AS OF 7/28/23, NAREACH NA PO NATIN ANG LIMIT NG SCREENING NATIN SA LIBRENG TULI. SALAMAT PO!

WHAT: OPERATION TULIWHEN: AUGUST 4, 2023 WHERE: Pembo Health CenterWHO: 9 years old and aboveHOW: Magpunta lamang po sa ...
17/07/2023

WHAT: OPERATION TULI
WHEN: AUGUST 4, 2023
WHERE: Pembo Health Center
WHO: 9 years old and above
HOW: Magpunta lamang po sa Pembo Health Center, Monday to Friday (1pm onwards) simula July 18, 2023 hanggang August 3, 2023 upang kayo magscreening kung pwede na po bang ma-circumcise or ma-tuli

PEMBO HEALTH CENTER - PNEUMONIA AND INFLUENZA VACCINATIONSimula bukas ay pwede na pong magpabakuna ng Pneumonia vaccine ...
19/06/2023

PEMBO HEALTH CENTER - PNEUMONIA AND INFLUENZA VACCINATION

Simula bukas ay pwede na pong magpabakuna ng Pneumonia vaccine at Influenza vaccine sa Pembo Health Center. Magpunta lamang sa Pembo Health Center upang magpabakuna. Ang detalye ay ang mga sumusunod.

PNEUMONIA VACCINE ONGOING VACCINATION para sa sumusunod na category:
- Para sa mga senior citizens, PWD 20-59 years old (with or without yellowcard) para sa mga wala pang bakuna sa Pneumonia at 2nd dose na may 5 years gap na mula sa unang dose

INFLUENZA (FLU) VACCINE ONGOING VACCINATION para sa sumusunod na category:
- Para sa mga senior citizens, PWD 20-59 years old (with or without yellowcard)
- Para sa mga 20-59 years old WITH YELLOWCARD

Paalala: Pakidala po ang inyong yellowcard id, senior id (kung meron), PWD ID (kung meron) at Vaccination card of previous Flu/Pneumonia vaccine na nareceive (kung meron lamang)

ANNOUNCEMENT:Inaanyayahan po namin ang mga Pembo Makatizens na magparegister para sa vaccination ng PNEUMONIA, INFLUENZA...
13/06/2023

ANNOUNCEMENT:

Inaanyayahan po namin ang mga Pembo Makatizens na magparegister para sa vaccination ng PNEUMONIA, INFLUENZA (FLU), HPV (CERVICAL CANCER) VACCINES. Kasalukuyan pong ongoing ang registration. Maaari lamang pong magsadya sa Pembo Health Center upang magparegister. Ang date ng pagbabakuna ng mga nasabing bakuna ay iaannounce na lamang po namin. Pakitignan po ang sumusunod na details ng mga eligible persons na makareceive ng mga vaccine.

*PNEUMONIA VACCINE REGISTRATION*

ELIGIBLE:
- Senior Citizens ages 60 years old and above with or without yellowcard
- Persons with disabilities (PWD) 20 years old and above with or without yellowcard

Note: Ang pneumonia vaccine ay priority natin ibigay sa mga taong walang pang narereceive na pneumonia vaccine at sa mga naka5 years na mula sa last dose ng pneumonia vaccine.

* INFLUENZA (FLU) VACCINE REGISTRATION*

ELIGIBLE:
- -Senior Citizens ages 60 years old and above with or without yellowcard
- Persons with disabilities (PWD) 20 years old and above with or without yellowcard
- 20 years old and above who are Immunocompromised / with Comorbidities WITH YELLOWCARD

* HPV VACCINE (CERVICAL CANCER VACCINE) REGISTRATION*

ELIGIBLE:
- 20-26 years old FEMALE with YELLOWCARD

BUKAS MARCH 23, 2023 ay mayroon po tayong HPV (Cervical Cancer vaccine) vaccination para sa mga batang babaeng edad 9-14...
22/03/2023

BUKAS MARCH 23, 2023 ay mayroon po tayong HPV (Cervical Cancer vaccine) vaccination para sa mga batang babaeng edad 9-14 years old. Maaari pa pong humabol para sa registration, magregister po sa link na ito. ---> (BUKAS MARCH 23, 2023 ay mayroon po tayong HPV vaccination para sa mga batang babaeng edad 9-14 years old. Maaari pa pong humabol para sa registration, magregister po sa link na ito. ---> (https://forms.gle/JW7ZsoigKjytKq4v5)

WHO: 9-14 years old female residing from Barangay Pembo, Makati WHEN: MARCH 23, 2023 WHERE: Pembo Health Center

23/02/2023

ANNOUNCEMENT PARA SA LAHAT NG PASYENTE NG PEMBO HEALTH CENTER

FEBRUARY 24, 2023 (FRIDAY) NON WORKING HOLIDAY

Ang Pembo Health Center ay sarado po para sa lahat ng health services BUKAS. Magreresume po ang lahat ng health services sa February 27, 2023 (Monday). Ininform po na lahat ng pasyente na may appointment bukas para sa kahit anong health services ay kailangan mag-queing ulit via QMOBILE app para makakuha ng ibang schedule for appointment. Kami ay humihingi ng inyong malawak na pang-unawa. Maraming Salamat po!

Paalala: Para sa mga urgent or emergency cases po ay pinapayo na magpakonsulta na sa malapit na hospital para makatanggap ng agarang lunas sa inyong nararamdaman.

04/01/2023
Announcement para sa lahat ng pasyente ng Pembo Health Center:SARADO PO ANG PEMBO HEALTH CENTER BUKAS (AUGUST 24, 2022)....
23/08/2022

Announcement para sa lahat ng pasyente ng Pembo Health Center:

SARADO PO ANG PEMBO HEALTH CENTER BUKAS (AUGUST 24, 2022). LAHAT PO NG PASYENTE NA NAKAPAGREGISTER SA QMOBILE NA ANG SCHEDULE AY PARA BUKAS AY KAILANGAN PO ULIT MAGREGISTER NG IBANG DATE.

HABANG SARADO PO ANG HEALTH CENTER BUKAS, PINAPAYUHAN DIN ANG LAHAT NG PASYENTE NA KUNG ALAM NIYONG URGENT/EMERGENCY NA ANG IPAPACHECKUP AY PINAPAYUHAN NA MAGPACHECKUP MUNA SA MALAPIT NA HOSPITAL. MARAMING SALAMAT PO!

Following the declaration of President Ferdinand Marcos Jr., classes in all levels in Makati, as well as work in government offices are suspended effective at 1 pm today, August 23, 2022, until tomorrow, August 24, 2022 due to rains brought by Severe Tropical Storm “Florita.”

Please monitor MyMakati page for updates.

10/08/2022

(AUG. 11, 2022-THURS) LAHAT PO NG SERVICES EXCEPT DENTAL SERVICES NG PEMBO HC BUKAS AY TEMPORARILY CLOSED DUE TO OPERATION TULI.

PEMBO HEALTH CENTER OPERATION TULI (AUGUST 11, 2022 - THURSDAY)Good day ito po ay reminder regarding sa Operation Libren...
10/08/2022

PEMBO HEALTH CENTER OPERATION TULI (AUGUST 11, 2022 - THURSDAY)

Good day ito po ay reminder regarding sa Operation Libreng Tuli bukas August 11, 2022 8am onwards po ito. First come first serve basis po tayo kahit na nagpalista po kayo. Paalala magdala po kayo ng dyaryo o kaya ay manila paper, magdala ng tubig at snack ng bata kapag nagutom habang naghihintay. Magdala rin po ng xerox ng yellowcard at dependents list para ito sa pagkuha ng ireresetang gamot, kapag wala pong yellowcard ang magulang ay okay lang po. Pakisigurado po na ang bata ay naligo. Magdala rin po ng ballpen at pakimake sure po na nakamask po kayo. Kapag po may signs and symptoms po lalo na ang magpapatuli ay ipagpaliban muna po ang pagpapatuli. Maraming Salamat po.

08/07/2022

PEMBO HEALTH CENTER OPERATION TULI 2022

WHEN: TO BE ANNOUNCED
WHO: 9 YEARS PATAAS NA MGA BATANG LALAKI (KAILANGAN AY HANDA O WILLING ANG BATA NA MAGPAPATULI)
WHERE: PEMBO HEALTH CENTER
HOW: MAGPUNTA SA PEMBO HEALTH CENTER UPANG MAGPALISTA AT MAISCREEN

SCHEDULE OF SCREENING
MONDAY TO FRIDAY 1PM-4PM

ANNOUNCEMENTWHAT: FREE MOBILE CHEST XRAYWHEN: JUNE 16, 2022WHO: TO ALL BARANGAY PEMBO RESIDENTSHOW: Magpalista po sa Pem...
31/05/2022

ANNOUNCEMENT

WHAT: FREE MOBILE CHEST XRAY
WHEN: JUNE 16, 2022
WHO: TO ALL BARANGAY PEMBO RESIDENTS
HOW: Magpalista po sa Pembo Health Center

Announcement para sa lahat ng pasyente ng Pembo Health Center na nagrerefill at may reseta ng gamot mula sa Health Cente...
31/05/2022

Announcement para sa lahat ng pasyente ng Pembo Health Center na nagrerefill at may reseta ng gamot mula sa Health Center.

Effective mula June 1, 2022, ito po ang mga pagbabago sa pagkuha ng gamot.

1. Pasyente na po ang personal na magclaclaim ng gamot sa Rizal Health Center Planet Drugstore. Dalhin po ang inyong reseta mula sa health center at ang inyong YELLOWCARD ID. Para sa mga reseta na nakapangalan sa dependents, pakidala rin po ang inyong dependent's list.

Kapag po hindi mismo ang pasyente ang magclaclaim ay kailangan may dalang authorization letter galing sa pasyente mismo, YELLOWCARD ID at isa pang VALID ID.

2. Ang refill po ay every month na po ulit at hindi na good for 3 months.

3. Magdala lamang po ng ecobag/plastic container para sa lagayan ng mga gamot na inyong makukuha. Simula July 1, 2022 onwards po ay hindi na po magproprovide ang Planet Drugstore ng paper bags.

4. Make sure po na kayo ay sumunod sa health protocols, Magsuot ng facemask, magsanitize ng kamay, at magpractice ng social distancing

Maraming Salamat po!

Important Announcement:Nais po namin ipaalam sa lahat na ang kinacater na lamang po na pasyente ng Pembo Health Center a...
26/05/2022

Important Announcement:

Nais po namin ipaalam sa lahat na ang kinacater na lamang po na pasyente ng Pembo Health Center ay ang mga taga Barangay Pembo dahil ang Comembo at East Rembo po ay may doctor na magkokonsulta sa inyong respective barangay health centers niyo na po kayo magpapakonsulta.

Nais din po namin ipaalam na ang gagamitin na pong pagrehistro sa lahat ng services ng health center ay ang QMOBILE app eto po ang link -> https://play.google.com/store/apps/details?id=com.innovations.timefree.qmobile&hl=en&gl=US

Maaaring pakidownload na lamang po ito. At Pakisunod ang step by step procedure sa pagregister sa qmobile app (pakitignan sa picture nakaattach).

Reminder po sa lahat HINDI NA PO GAGAMITIN ANG ECONSULT LINK dati na ginagamit.

Note: Lahat po (maliban sa dental procedures) ng serbisyong gustong iavail ay kailangan po ninyo iregister sa QMOBILE app.

Kami po ay humihingi ng pangunawa sa lahat ng pasyente dahil kailangan din po natin lahat magadjust sa bagong system. Maraming Salamat po!

02/05/2022

ANNOUNCEMENT

May 3, 2022 (TUESDAY) – HOLIDAY – EID AL FITR

SARADO PO ANG HEALTH CENTER NG MAY 3, 2022.

LAHAT PO NG BUNTIS NA NAKASCHEDULE NG PRENATAL NG NASABING ARAW AY INAADVISE PO NAMIN NA BUMALIK NG KONSULTA SA SUSUNOD NA TUESDAY MAY 10, 2022. ANG LAHAT NG HEALTH CENTER SERVICES AY MAGRERESUME SA MAY 4, 2022.

MARAMING SALAMAT PO!

Announcement: Para sa mga bata/sanggol na nagbabakuna sa Pembo Health Center na may mga nakaschedule na bakuna na hindi ...
03/02/2022

Announcement: Para sa mga bata/sanggol na nagbabakuna sa Pembo Health Center na may mga nakaschedule na bakuna na hindi pa natatangap dahil sa suspension ng pagbabakuna nitong January 2022, Ang Pembo Health Center po ay nagiimmunization or nagbabakuna sa mga bata tuwing Wednesday, Thursday, at Friday simula nitong first week ng February 2022. Maaari lamang pong magpalista sa Pembo Health Center.

Pinaaalahanan ang lahat na dalhin ang vaccination card ng magulang o guardian na kasama ng bata. Kailangan niyo po ito ipakita sa health center. Sa mga magulang o guardian na di pa vaccinated pakiinform ang mga BHW na kayo ay di pa vaccinated.

Pakiready rin po ang inyong mga QR code lagi. Kapag wala pong QR Code ay maaari pong magregister sa https://umakemakatisafe.com/

Ugaliin pong madala ng sariling ballpen, magsuot ng mask, magdala ng inyong mga alcohol para makapagdisinfect lagi ng inyong mga kamay.

Stay Safe po lagi!

Maraming Salamat po!

By scanning the QR code provided by the Makati City government, city hall Visitor hereby gives consent to the collection, processing, storage and sharing of Visitor's own personal information and sensitive personal information for the purpose of the city's on-going contact tracing program. Use or di...

Address

Blk 27 Lot 6 Santan Street Pembo
Makati
1218

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639630128612

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pembo Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Pembo Health Center:

Share