14/02/2023
TRIGGER WARNING ⚠️
VALENTINE'S DAY ESPESYAL 💕
Post: Regalo on Valentines Day, semento para ma tapos na ang lababo.
Walang masama dun kung yon ikaliligaya nyong mag asawa, if hindi naman talaga receiving special gifts ang love language ng babae eh, ok na ok. Kung Acts of Service yong receiving ng love language ni babae eh, happy na si misis dyan.
Pero sa mga misis na ang hiling ay konting pag trato sa kanya ay special din sa special na okasyon, ang semento ay isang part ng responsibilidad ni mister.
Magiging bare minimum or basic ang regalong tatlong sakong semento kung dapat lang naman talaga, kung plano naman nilang dalawa yon. Iba pa rin yong naging thoughtful si mister on Valentines day kahit hindi na flowers and chocolates, kahit ano basta makaramdam ng unique thoughts. Kaya nga "ESPESYAL NA OKASYON" diba? kasi hindi araw2, hindi part ng responsibilidad.
Karamihan na kasi sa atin, "practical" ang tawag sa pagregalo ng normal or basic na bagay, kasi hindi naman tayo nakakaramdam ng mas mataas na angtas ng ESPESYAL. Dahil na rin to sa kakulangan sa budget. Pero pag may pera ka, bakit hindi mo gawin ang "espesyal"? Kahit hindi mamahalin pero espesyal kasi espesya ngal na okasyon.
Huwag gawing excuse ang practical kasi part na yon eh. Basic na, matik na yan.
Settling on bare minimum is lowering your self-worth. Unless hindi kaya ng budget, wag naman ipilit. Huwag sanang maging away sa iba pag walang regalo sa Valentines Day.
TAKE NOTE!
Sa mga narcissists, isang napakalaking excuse ang "pagiging practical" para hindi na mag effort sa misis. Gagamitin ang word na ito sa kanyang kapabayaan sa kanilang relasyon.
Sasabihing ang OA mo or sensitive pag naghingi ka ng extra effort sa kanila. At yan ay PAGMANINIPULA (manipulation tactics) para hindi sila ma obliga.