27/12/2022
1yr ago ito po yung panahong nasa hospital ako naging blogger📹 maraming naging kaibigang pasyente at mga nurses. Ito ang araw na ready na for operation kaba takot ang nararamdaman ko habang papuntang operating room, inipon ang lakas ng loob nagdasal na sana maging maayos at maging ligtas po ako at gabayan ng diyos ang mga doktor na magsasagawa ng pag opera sa aking puso. Sa tulong ng walang sawang pagdarasal upang maging matagumpay ang aking operasyon bagamat may iniwan pang maliit na butas nagdarasal na sana maghilom na din ang iniwan na butas sa puso ko, sa lahat po ng walang sawang nagdasal sa akin mga tulong na inyo pong ipinaabot para sa akin ako po ay lubos na nagpapasalamat mula sa aking puso❤️❤️❤️.
Nagpapasalamat din po ako kila mama jasmine at papa michael, ate pia kay lola bebot mama emily papa danny mga tito at tita mga pinsan maraming salamat at sa mga taong nagbigay ng tulong bagamat hindi po tayo magkakakilala pero hindi po kayo nagdalawang isip na mag abot ng tulong pinansyal at dasal. Muli po maraming salamat po sa inyong lahat
Ang inyong HEART HERO FROM MALABON EMMANUEL MATTEO MUNDO HAPPY HEART
BLESSED CHRISTMAS AND A PROSPEROUS NEW YEAR TO ALL OF US....GOD BLESS