10/10/2025
MENTAL HEALTH IS THE NEW LUXURY!
KUMUSTA KA?
Ngayong ginugunita natin ang World Mental Health Day, nawa’y magsilbi itong paalala na ang kalusugang pangkaisipan ay mahalagang bahagi ng bawat pagbangon sa araw-araw, hindi lamang sa panahon ng sakuna o pagsubok, kundi sa araw-araw na pamumuhay. Isa itong patuloy na proseso ng pag-aalaga sa sarili na nakatutulong sa personal na katatagan at sa muling pagbangon ng iyong kinabukasan.
Ang tunay na malasakit sa mental health ay hindi panandalian ito ay panghabambuhay. Mahirap na ang buhay kaya wag nang pahirapan ang buhay ng iba. Be kind to each other.
Narito ang ilang simpleng paraan upang unti-unting maisabuhay ang pangangalaga sa ating isip at damdamin:
✅Magkaroon ng malusog na lifestyle: Regular na ehersisyo, tamang pagkain, at sapat na tulog.
✅Magplano ng daily routine: Magbasa, makinig ng music at maaaring mag journal.
✅Be kind to each others and Pray.
✅Magsanay ng self-awareness at pagiging mindful.
✅Workplace matters, Spread positivity!
✅Gamitin nang wasto at responsable ang social media.
✅Humingi ng suporta sa taong mahalaga sayo at pinagkakatiwalaan. Maaaring tumawag sa emergency hotlines ng National Center for Mental Health Tel. No. 8531-9001 / 1800-1888-1553
Hindi ka ma-drama at OA, higit sa lahat hindi mo kailangang maubos para malaman mong mahalaga ka! Dahil sa bawat bukas may taong masaya tuwing ikaw ay nakikita.