Ospital ng Malabon

Ospital ng Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ospital ng Malabon, Hospital, F. Sevilla Blvd. Barangay Tañong, Malabon.

07/08/2025
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Hospital Week mula Agosto 4-8, nagsagawa ang Ospital ng Malabon ng isang clean-...
07/08/2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Hospital Week mula Agosto 4-8, nagsagawa ang Ospital ng Malabon ng isang clean-up drive sa loob ng compound upang itaguyod ang malinis at malusog na kapaligiran para sa mga pasyente, kawani, at komunidad na bahagi ng mas malawak na pagsisikap na ipakita ang mahalagang papel ng ospital sa pagpapanatili ng malusog na mamamayan.

Ang inisyatibong ito, na naaayon sa tema ng linggo na nagtatampok ng kalusugan at pakikipagtulungan sa komunidad ay sama-samang naglinis ng basura, at nagpabuti ng paligid ng ospital. Ipinakita ng aktibidad na ito ang layunin ng ospital sa kalusugan ng publiko at kapakanan ng komunidad, na naglalayong lumikha ng mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.


07/08/2025

DOH, SUPORTADO ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA HEALTH WORKERS

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong B**g B**g Marcos Jr. na palawigin ang mga serbisyong pangkalusugan sa bansa, binibigyang diin ng DOH ang kaligtasan at kalusugan ng healthcare workers.

Ang mga sumusunod na serbisyong pangkalusugan sa healthcare workers ang pinalalakas sa mga ospital:

✅Recreational Activities
✅Annual Physical Exam
✅Psychosocial Support
✅Capacity Development
✅Infection Prevention and Control
✅Access to Health Resources




Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Sight Saving Month 2025 – isang mahalagang paalala sa lahat na ang a...
07/08/2025

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Sight Saving Month 2025 – isang mahalagang paalala sa lahat na ang ating paningin ay isang mahalagang yaman na dapat pangalagaan.

Ang Ospital ng Malabon ay patuloy na nagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa mata upang maiwasan ang pagkabulag at iba pang karamdaman sa paningin. Sa pakikiisa sa temang ito, layunin nating palaganapin ang kamalayan tungkol sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng paningin gaya ng katarata, glaucoma, diabetic retinopathy, at error of refraction na maaaring maagapan sa pamamagitan ng regular na konsultasyon, maagang pagsusuri, at wastong paggamot.

Hinihikayat din namin ang publiko na umiwas sa paggamit ng pekeng eyedrops, iwasan ang labis na exposure sa gadgets, at huwag kalimutang kumonsulta sa lisensyadong espesyalista sa mata para sa tamang gabay. Tandaan, ang simpleng pangangalaga ngayon ay makapagliligtas ng paningin sa hinaharap.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga mata tungo sa mas maliwanag na kinabukasan! 👁️✨

Mata'y Alagaan, Paningin ay Ingatan!






06/08/2025

BABALA SA PAGKIDLAT AT MALAKAS NA PAG-ULAN
Thunderstorm Advisory No. 3 |
Ipinahayag ngayong 12:22 PM, Agosto 6, 2025 (Miyerkules)

Nagbabanta ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kidlat at malalakas na hangin sa loob ng susunod na 2 oras sa mga sumusunod na lugar:
📍 Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, at Bataan

Kasalukuyang nararanasan naman ang malakas hanggang matinding ulan na may kidlat at malalakas na hangin sa:
📍 Metro Manila (Manila, Caloocan, Makati, San Juan, Mandaluyong, Quezon City, Marikina)
📍 Nueva Ecija (Gapan)
📍 Laguna (Rizal, San Pablo)
📍 Quezon (Sariaya)
📍 Zambales (Olongapo, Subic)

Maaari itong magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. Manatiling updated sa opisyal na abiso.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

📞 Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588
📞 TXT MJS
0917-689-8657/225687

Stay safe sa ating lahat!

Source: PAG-ASA

06/08/2025
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang National Lung Month bilang paalala sa kahalagahan ng ating mga baga ...
06/08/2025

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang National Lung Month bilang paalala sa kahalagahan ng ating mga baga at kalusugan sa paghinga. Sa patuloy na hamon ng mga sakit sa baga gaya ng tuberculosis, hika, at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), higit nating dapat pahalagahan ang wastong pangangalaga sa ating respiratory system.

Ang Ospital ng Malabon ay nakikiisa sa adhikaing ito sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman, pagsusuri, at serbisyong medikal para sa mas malusog na pamayanan. Hinihikayat namin ang lahat na umiwas sa paninigarilyo, iwasan ang polusyon, at magpabakuna laban sa mga sakit na maaaring makaapekto sa ating baga.

Magtulungan tayo tungo sa mas malinis na hangin at mas malusog na hininga para sa bawat Malabuenos!

Malusog na Baga, Alagaan Natin Taga-Malabon!





05/08/2025

HIGH TIDE ALERT | Narito ang high tide schedule ngayong buong linggo, Agosto 4-10, 2025 para sa inyong kaalaman at kahandaan.

Agosto 4 (Lunes) | 5:34 AM - 1.40m
Agosto 5 (Martes) | 6:59 AM - 1.40m
Agosto 6 (Miyerkules) | 8:22 AM - 1.50m
Agosto 7 (Huwebes) | 9:23 AM - 1.60m
Agosto 8 (Biyernes) | 10:12 AM - 1.70m
Agosto 9 (Sabado) | 10:54 AM - 1.90m
Agosto 10 (Linggo) | 11:33 AM - 1.90m

🔔 Paalala:

Ngayong panahon ng tag-ulan at habang patuloy na kinukumpuni ang nasirang navigational gate, pinapaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag at LAGING maghanda, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar na madaling bahain.

Patuloy na i-monitor ang taas ng tubig at sundin ang mga abiso ng inyong barangay at ng lokal na pamahalaan.

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna ha...
05/08/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng OSMAL:

✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach




05/08/2025

Address

F. Sevilla Blvd. Barangay Tañong
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

(02) 5188602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ospital ng Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Ospital ng Malabon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category