20/08/2024
SYPHILIS is a s*xually-transmitted bacterial infection that begins as a painless sore — typically on the areas of the ge****ls, re**al, and/or oral area. Coming in contact with these sores via the skin or mucous membrane promotes the spread of syphilis.
Paano napapasa ang syphilis?
Makakakuha ka ng syphilis sa direktang kontak sa taong may sugat buhat ng syphilis habang nakikipagtalik gamit ang ari, puwet o bibig. Ang mga sugat ay maaaring makita sa ari, puwet o sa bibig at sa loob ng bunganga. Maaari rin itong mapasa ng ina sa kanyang sanggol na nasa sinapupunan.
Paano ko malalaman na ako ay may syphilis?
“Early o Primary Syphilis” Ang mga taong may “primary syphilis”ay nagkakaroon ng isa o marami pang sugat. Ang mga sugat ay karaniwang hindi kumikirot. Sila ay makikita sa palibot ng ari o sa paligid ng bibig sa loob ng 10 hanggang 90 araw matapos ang eksposyur. Kahit walang gawing lunas, ito ay nawawala na walang peklat sa loob ng anim na linggo.
“ Secondary Stage”.
Ito ay tumatagal ng isa o tatlong buwan at nagsisimula sa loob ng 6 na linggo hanggang anim na buwan matapos ma-expose. Ang mga taong may ganitong syphilis ay nakakadanas na magkaroon ng maliliit na parang piso na pantal sa mga palad ng kamay o sa talampakan. Subalit, kung minsan may mga pantal rin na lumalabas sa ibang parte ng katawan. Tulad rin ng “primary syphilis”, nawawala rin ng kusa ang “secondary syphilis” kahit walang lunas na matanggap.
“Tertiary Syphilis”.
Kung ang impeksyon ay hindi hinanapan ng lunas, nagiging malubha na klase ang syphilis at nagdudulot ng problema sa puso, utak at mga ugat na nagreresulta sa pagiging paralisado, pagkakaroon ng dementia, pagkabulag, pagkabingi, at pagkawala ng buhay.
Paano malulunasan ang syphilis?
Kung ikaw ay nagka-syphilis ng hindi pa hihigit sa isang taon, ang isang “dosage” ng “penicillin” ay sapat na upang malabanan ang impeksyon. Para sa mga “allergic” sa penicillin, ang tetracycline o doxycycline o ibang mga antibiotic ang pwedeng gamitin. Kung ikaw ay nasa mas malubhang estado ng sakit, mas maraming “dosage” ang kinakailangan. Ang mga taong ginagamot mula sa syphilis ay hindi dapat makipagtalik hangga’t hindi pa nawawala ang impeksyon. Ang mga “s*xual partners” ng mga taong may syphilis ay dapat ring suriin, at kung kinakailangan, gamutin.
Palagiing magpakunsulta sa doctor para sa tamang gamutan. Punta lang sa pinaka malapit na social hygiene sa inyong brgy o makipag ugnayan sa isa mga Peer Navigator sa inyong brgy.
CTTO: Sir Bobet Bata Ni Bibot
Visit us @ Bukay Community Teen Center 3rd floor of Alcobendas -Garcia building infront of Hue hotel station x boracay. Monday to Friday 1pm to 8pm.