18/04/2024
Magandang araw!
Muli po namin pinapaalalahanan ang lahat na kumuha ng appointment via online. Mag message lamang po sa aming FB Page FTRMH OPD Online Appointment. Ang benepisyo ng pagkakaroon ng appointment ay:
1. Ikaw ay magiging prayoridad sa aming check up sa araw ng iyong schedule kaysa sa mga walk-in patient, dahil ikaw ay may schedule ng araw na iyon. ( Take note: #1 pa din pong prayoridad ang mga senior, buntis at PWD)
2. Mas mapapabilis ang proseso dahil nakahanda na ang mga dokumentong kakailanganin sa iyong pagpapakonsulta.
3. Makakatipid sa oras, dahil maaari kang magtungo sa ospital sa mismong oras na ibinagay sayo ng ospital.
Oh? Ano pang hinihintay mo? Mag message ka na, para magka schedule ka! ;)
Maraming salamat po!