16/05/2025
Tanda ko pa kung panong napuno ng katahimikan ang araw na 'yon
"ang payapa ng gabi 'no?
"ah.... oo nga."
Isang tanong, isang sagot at pagka tapos ay balik nanaman sa pagiging tahimik. Hindi nmn tayo sadyang ganto. Ang totoo, may kaunting pag babago.
pareho ang lugar, ngunit iba ang puwesto. mas naging maayos, kesa no'ng unang beses natin itong dinatnan.
Ang totoo, hindi nmn maiiwasan na magkaro'n ng mga pagbabago. Sa katunayan, maraming beses narin natin iyong nasaksihan. Ngunit, hindi ko inakalang kabilang rin pala tayo sa mga 'yon.
"may sasabihin ka pa ba?"
"wala na."
"kailangan ko na sigurong mauna."
"hatid na kita,"
"hindi na, kaya ko nmn ang sarili ko"
"kahit sa huling pagkaka taon. hayaan mo sana 'kong gawin 'yon para sayo."
"wala narin nmn ng mag babago. sadyang pareho narin tayong nag bago. parehong pagod sa labis na ibinigay ng mundo. parehas na nabigong iligtas ang bawat isa. sadyang ganito na siguro ang kapalaran natin, una na ko."
tandang tanda ko pa, kung paanong naging napaka bigat ng tagpong iyon. natapos tayo nang ganon ganong lng.
"h'wag kang makakatulog sa byahe mo. paalam."
—sadyang hindi nmn tayo gan'to no'ng una. siguro'y pareho nating hinangad na matagpuan. kaya naging bulag tayo sa isat isa.