Maging ano pa man ang puno at dulo ng pinagmulan ng Tikay, ang nayon sa kasalukuyan ay may tatak ng katatagan ng paninindigan sa masasabing nakatayo sa matatag na buhay ng mga taga nayon, gaya rin ng kanilang patrong si San Pedro na sa plano ng Diyos ay pinakahulugan Niyang isang baton a kinatatayuan ng Kanyang simabahan na hindi pananaigan ng pinto ng impyerno. Isa sa mga naunang nayon ang Tikay. May paniniwala ang mga matatanda rito na isa sa mga susunod na taon sa 1580 ang Tikay ay isa nang sityo hanggang maging ganap na nayon. Ang pagdami ng mga pamilya rito ay naghudyat upang ang isang ganap na barangay ay mabuo sa bahaging ito ng Malolos. Ngayon, may 1,886 pamilya ang payapang naninirahan sa Tikay. Ang mga pamilyang ito ay binubuo ng 4,312 na babae at 4242 na lalaki katao. Ang kanilang mahahalagang oras ay ginugugol nila sa pagsasaka, pag-eempleyo at pangangalakal. Anu pa’t sa marangal ay marami na rin sa nayon ang nakarating sa buhay-propesyunal. Nakapagmamalakai ang nayon sa mga kilalang anak at pangkat na tunay na dangal ng nayon. Sa hilaga ng Barangay Tikay ay matatagpuan ang Barangay San Pablo ng Malolos, sa timog ay Barangay Sta. Cruz ng Guiguinto, sa silangan ay Barangay Sta. Rita ng Guiguinto, at sa Kanluran ay Barangay Santor ng Malolos. Ito ay may mahahalagang establisyimento tulad ng Paaralang Barangay ng Tikay at Day Cay Center, Rural Health Center, Multi-Purpose Baskteball Court at bisita o pook dasalan. Kung kailan nagkaroon ng bisita sa nayon ay walang makapagsabi. Kinagisnan na lamang ng mga nabubuhay pang katandaan ang bisita sa Tikay. Gayon din naman ang pagkakaluklok sa altar sa imahen ni San Pedro. Ang Patron ng nayon ay ipinagpipista tuwing Hunyo 29. Sinasabi ng matatanda sa nayon na ang pangalan ng Tikay ay buhat sa ibinaong Tika na natagpuang laganap sa pook nang dumating dito ang mga kastila. Nagaril sa pagbigkas ang mga dayuhan kung kaya’t nagpalipat-lipat sa kanilang mga labi ang salitang Tikay, hanggang ito ang ikabit sa nayon. Tika o Tikay man, ang nayon ay higit sa isang alamat, sapagk’t ito ay kabuuan ng matatag na pananampalataya ng mga taga nayon sa kanilang Panginoon sa pamamagitan ni San Pedro, at sa kanilang sipag at paninindigan upang mabuhay sa narangal na lilim. Sa pagtagal ng panahon sumasabay na din ang Barangay tikay sa pagyabong at pag unlad ng isang lugar, makikita ang sa Tikay ang iabat ibang klase ng mga pabrika at ibat ibang klaseng mga Restaurant o mga sikat na kainan. Note : This not a Goverment Page