24/07/2025
π¨ BABALA SA LEPTOSPIROSIS! π¨
Ngayong tag-ulan, mataas ang panganib ng leptospirosis lalo na kung ikaw ay lumusong o naglakad sa baha!
βNarito ang mga DAPAT GAWIN kung ikaw ay na-expose sa baha o maruming tubig:
π§Ό 1. Hugasan agad ang katawan at sugat
gamit ang sabon at malinis na tubig. Kahit maliit na galos, maaaring pasukan ng bacteria!
πΏ 2. Maligo agad pagkatapos lumusong sa baha
at Tanggalin ang dumi at bacteria sa katawan.
π 3. Obserbahan ang katawan sa loob ng 7-14 araw
π¨Mga sintomas na dapat bantayan:
π Lagnat
π Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
π Pananakit ng ulo
π Paninilaw ng mata o balat
π P**a ang mata
βοΈ 4. Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital
Kung may sintomas, huwag balewalain β maaaring delikado!
π 5. Magtanong kung may libreng gamot (Doxycycline). May ilang barangay at LGU na nagbibigay ng prophylaxis bilang pang-iwas.
π§€ 6. Magsuot ng proteksyon kapag kailangang lumusong sa baha. Gumamit ng bota, gloves, o kahit plastic na pambalot sa paa.
βTANDAAN:
Ang leptospirosis ay seryosong sakit pero ito ay maiiwasan sa tamang kaalaman at pag-iingat.
π¬ I-share ang post na ito para sa kaligtasan ng iyong pamilya at komunidad!
Kung nalubog ka sa baha kahit wala kang sugat sa paa, uminom ng 2 tableta ng Doxycycline 100 mg sa loob ng 24 oras para pangontra sa leptospirosis. Libre ito sa mga health center.
βWag na tayong dumagdag sa bilang ng may lepto.
Ingat!