Health Education & Promotion Unit - PHO Occidental Mindoro

Health Education & Promotion Unit - PHO Occidental Mindoro Healthy behaviors the easier choice for everyone, everytime, everywhere!

03/12/2024

Provincial Immunization Summit

Ang Hand, Foot & Mouth Disease (HFMD) ay isang nakahahawang sakit na karaniwang nakikita sa mga bata. Ang sakit na ito a...
05/11/2024

Ang Hand, Foot & Mouth Disease (HFMD) ay isang nakahahawang sakit na karaniwang nakikita sa mga bata. Ang sakit na ito ay sanhi ng virus (enterovirus) at nagdudulot ng mapupulang butlig sa mga kamay, paa, bibig at maging sa lalamunan.

Sa pagkakaroon ng mga naitalang kaso ng sakit na ito, muli tayong nagpapaalala sa mga mainam na gawin upang maiwasan natin na madapuan ng ganitong sakit, lalong-lalo na ang mga bata.

Basahin at ibahagi ang impormasyong ito para sa kaligtasan mo at ng iyong mga mahal sa buhay.

Kapag nakaramdam ng mga sintomas ng HFMD, KonsulTayo agad sa pinakamalapit na Primary Care Providers.

Isang paalala mula sa Department of Health at Provincial Office of Occidental Mindoro

Ang paghugas ng kamay ang ating first line of defense laban sa mga sakit na nakakahawa! Ugaliing maghugas ng kamay na di...
30/09/2024

Ang paghugas ng kamay ang ating first line of defense laban sa mga sakit na nakakahawa!

Ugaliing maghugas ng kamay na di kukulang sa 20 segundo gamit ang tubig at sabon, lalo na sa kritikal na sandali.

Maging malinis sa ating katawan at sa ating !


Muli pong pinapaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag tungkol sa mga kumakalat na sakit lalong-lalo na ang banta ...
30/09/2024

Muli pong pinapaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag tungkol sa mga kumakalat na sakit lalong-lalo na ang banta ng MPOX.

Kung may nararanasan na sintomas sa mga nabanggit o may travel history sa mga lugar na may kaso ng MPOX, mangyari lamang na pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital sa inyong lugar.

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Provincial Office ng Occidental Mindoro.

Ating basahin at alamin ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa ating mga mag-aaral na chikiting! Iba na ang protektado...
30/09/2024

Ating basahin at alamin ang kahalagahan ng pagpapabakuna para sa ating mga mag-aaral na chikiting! Iba na ang protektado!

Tara na at makilahok sa ating BAKUNA ESKWELA!

Magtungo lamang sa pinamalapit na health center at pampublikong paaralan tungkol sa mga detalye.

"Batang Bakunado, Protektado sa Occidental Mindoro!"

READ: The Department of Health (Philippines) confirms the 10th Monkeypox (mpox) case in the Philippines and updates guid...
19/08/2024

READ: The Department of Health (Philippines) confirms the 10th Monkeypox (mpox) case in the Philippines and updates guidelines for home care. The public is encouraged to prioritize hygiene, access testing, and seek timely consultation to effectively manage and control mpox.

Pinapayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang mga apektadong komunidad na mag-in...
19/08/2024

Pinapayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang mga apektadong komunidad na mag-ingat ngayong kumakalat ang vog mula Taal, na kasalukuyang nasa Alert Level 1.

Ayon sa ahensya, ang haze na naoobserbahan sa Metro Manila ay dulot ng local pollutants at hindi ng nakaaalarmang aktibidad ng Taal.

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐌𝐏𝐎𝐗Kasunod ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa m...
19/08/2024

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐌𝐏𝐎𝐗

Kasunod ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa mpox (dating monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), nakapagtala ang DOH ng isang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas. Bago ito, ang huling kaso ay naiulat noong Disyembre 2023. Ang lahat ng mga naunang kaso ay na-isolate, naagapan, at gumaling na sa sakit.

Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon. Maging handa sa banta ng mpox - sundin at tignan ang ilang Health Reminders sa mga larawan.


Address

Barangay Tayamaan
Mamburao
5106

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Education & Promotion Unit - PHO Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram