
04/02/2024
Buwan ng Pebrero ay ang Oral Health Month Celebration 🦷🪥
Ating alagaan ang pinakamaputi at pinakamatigas na parte ng ating katawan 🦷 na syang nagbibigay ng liwanag sa ating mga ngiti at unang tumatanggap ng ating mga kinakain na syang nagbibigay ng sustansya sa ating katawan.
KALUSUGAN
Habang nasa sinapupunan pa lamang
Ang batang iyong pinakaaabangan
Ay iyo ng alagaan sa tamang
Pag aaruga ng magulang
Malusog na bata ay iyong masisilayan.
Gatas ng ina lamang ang kailangan
Pagkapanganak hanggang
Dalawang taong gulang
Tinitimpla na gatas ay iwasan
Upang malusog ang kanilang pangagatawan.
Matatamis na pagkain ay iwasan
Masusustanya ang ilatag sa hapag kainan
May kulay na inumin ay wag bilhan
Sapagkat tubig lamang ang kailangan
Ng Batang hinuhubog pa ang kanilang katawan.
Tatay at nanay iyo sanang iwasan
Mga bisyo na makakasama sa kalusugan
Ng mga batang wala pang kaalaman.
Kinabukasan nila ay pangahalagaan
Ikaw na magulang ang kanilang modelo magpakailanman.
Pagkakasakit ay iwasan
Alamin ang tamang pamamaraan
Sa pag-aalaga ng katawan
Mentalidad, pisikal at ispiritwal man
Upang may malusog na pangangatawan.