22/09/2025
⚠️Mag ingat sa Leptospirosis!⚠️
Alam niyo ba? Ang pagbabad sa baha o maruming tubig ay maaring magdulot ng leptospirosis-- isang seryosong sakit na pwedeng magdulot ng lagnat, pananakit ng katawan, pagkasira ng bato at atay na maaring mauwi sa kamatayan kung hndi maagapan.
🧐Tips para makaiwas:
✅Iwasan ang pagbabad sa baha kung hindi kinakailangan
✅Gumamit ng bota o proteksyon sa paa.
✅Agad mapa konsulta sa pinaka malapit na Health Center kung hindi naiwasang lumusong sa baha.
👩⚕️Huwag hintayin lumala! Kalusugan, alagaan. Buhay, ingatan🐯