
23/01/2025
https://www.facebook.com/share/p/18uU2d1zgu/?mibextid=wwXIfr
PAKIBASA!
Eto ay Just my 2 cents, this is my opinion or POV!👨⚕️
Sa lahat ng aking mga pasyente na nagbigyan ng bakuna laban sa trangkaso (Flu Vaccine) nitong nakaraang Disyembre 2024 hanggang sa buwang kasalukuyan Enero 2025 at sa mga nagpaplanong magpabakuna. Maraming pasyente ko ang nagtetext, nag PM at nagtatanong sa akin tungkol sa FLU VACCINE. Sinasabi ko na karaniwan labas o dating ng bakuna sa ating bansa ay Marso o Abril.
Ngayon alam ko na kung bakit marami sa aking mahal na mga pasyente ang nagtatanong. Quadrivalent yung flu vaccine pero expiry na this year or this month kasi padating na by end of march 2025 yung para sa new strains. Ang mga bakuna sa trangkaso ay dapat para sa paparating na taon o season, hindi sa nakaraang taon o season. Kung 2025 po, 2025 Flu Vaccine dapat ang ibigay o kuhanin. Walang mabuti, walang masama o pinsala, walang labis na dosage. Pero mas mabuting maghintay na lamang para sa bagong strain ng Flu Vaccine para ngayong taon o season. Magtanong, mag usisa at tsekin ang sticker o kahon ng bakuna na ibibigay sa inyo. Kumonsulta sa doktor.
Malusog na PUSO ❤️
Alagang DoK PUNO ❤️
📷-ctto-