21/04/2026
๐ โAng kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya nararapat lamang na silaโy pakinggan, protektahan, at pahalagahan.โ ๐ค
๐ MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS! ๐
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga bata, mga magulang, at kabataang nakiisa sa ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐๐ง ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง & ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ฆ๐โจ na ginanap sa Blk. 38B Motorpool Court.
Naging makabuluhan ang ating pagtitipon sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa karapatan ng mga bata, pakikinig sa kanilang mga saloobin, at pagbibigay-halaga sa kanilang boses sa komunidad. ๐ฌ๐
Bilang bahagi ng konsultasyon, naibahagi rin ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan at isyu sa ibaโt ibang laranganโtahanan, paaralan, komunidad, at cyberspaceโna nagsisilbing mahalagang datos upang mas maunawaan ang kanilang kalagayan.
Ang mga impormasyong ito ay gagamitin bilang batayan ng representasyon ng PILAK sa mga konsultasyon at workshop sa lokal, pambansa, at maging internasyonal na antas. ๐
๐ฃ Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga nagpahatid ng tulong pinansyal na naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito:
โข Brgy. Chairman Carlito Cernal
โข SK Chairman JV Hosena
โข Councilor Grace Antonio
โข Councilor Mariz Manalo
โข Councilor Elton Yap
๐ Taos-pusong pasasalamat din sa mga facilitators na miyembro ng PILAK sa kanilang dedikasyon, sipag, at malasakit sa paggabay sa mga bata sa buong programa.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa! Sama-sama nating itaguyod ang karapatan ng bawat bata. ๐