19/08/2025
Naalala ko dati way back 2009 after kung makapasa ng board exam, usong uso pa noon ang volunterism. Tapos may ibang hospital pa na ikaw na nga ang magbibigay ng libreng serbisyo eh ikaw pa mismo ang magbabayad sa kanila para lang magkaroon ng certificate of employment.
Nag volunteer ako before for the span of 2 years dahil lang sa kagustuhan kong magkaroon ng experience at pag asa na baka ma absorb din ng hospital as an employee. Grabe araw araw gumagastos ka ng pamasahi at pagkain na galing mismo sa sarili mong bulsa tapos nagpapakapagod ka magduty ng 8 hours minsan double shift pa kapag walang kapalitan. Nakikita mo mga kasamahan mong tumatanggap ng sahod and then ikaw parang kawawa na umaasa lang someday na baka ma absorb ka din kahit as a casual employee.
Grabe ang pang aabuso na ginagawa sa mga nurses noon pero wala naman kaming naramdaman na aksyon galing sa gobyerno bagkus ginamit namen itong motivation para mag pursige na makakuha ng sapat na experience upang makapag practice abroad.
Ang isa pa sa masakit ay ikaw na dalawang taon na nagbigay ng libreng serbiyo tapos ang maha hire ay yung bagong pasa na wala pang experience kundi may kapit or backer from Mayor, Governor at kung sino pang government official. Oh 'di ba ang laking kagaguhan which is I think nangyayari pa rin until now.
Madalas puro negative experiences ang naging motivation ng mga Filipino nurses kung bakit nagpursige kaming mag ibang bayan. Nagtagumpay man kami sa aming journey dito sa ibang bansa, hindi pa rin namen makalalimutan ang hopeless case na situation sa healthcare community ng bansang Pilipinas.
Masarap magbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan pero gobyerno mismo ang nagbibigay ng dahilan para lisanin namen ang ameng inang bayan. Kaya Mr. President, wag kang mangarap ng gising! Kung gusto mong mag stay ang mga susunod na generation ng mga nurses sa Pilipinas eh baka naman umpisahan mong aksyonan ang malalang situation ng healthcare system ng Pilipinas. Hindi lang din naman taas ng sweldo ang ameng hinahangad kung bakit kami nangingibang bayan, kasama na din diyan ang work life balance na walang wala ang Pilipinas. Overtime na ginagawang TY at samot sari pang allowance na hindi maibigay bigay.
Kaya sa mga susunod na generation ng mga Filipino Nurses, please lang. Huwag kayong magpabudol sa mga matatamis nilang salita. Mag abroad kayo at huwag magpaka bulok sa Pilipinas kung gusto niyong umasenso ang buhay niyo at ng mga pamilya ninyo.