15/12/2022
ADVISORY
EPS KOREA WORKERS
NEW REQUIREMENT FOR VISA APPLICATION
(Tagalog version after the Embassy Announcement below)
29 November 2022
Ang Embahada ng Korea ay naglabas ng anunsyo sa kanilang website ng mga bagong requirements para sa VISA Application.
• Mula Dec 1, 2022 ang kalakip na updated Certificate of TB (tuberculosis) Screening ang gagamitin para sa pag apply ng visa
• Ang naunang format (Certificate of Health) ay maari pa rin tanggapin sa visa application kung ang TB test ay ginawa bago ang Dec 1, 2022
Ang Certificate of TB screening ay maaaring ma download sa link sa ibaba:
https://overseas.mofa.go.kr/viewer/skin/doc.html?fn=20221129050755874.pdf&rs=/viewer/result/202211
https://overseas.mofa.go.kr/viewer/skin/doc.html?fn=20221129050808474.pdf&rs=/viewer/result/202211
Lahat ng aplikante ng long-term visa (90 days above) mula sa nabanggit na 35 na bansa ay kinakailangan magsubmit ng Certificate of TB (tuberculosis) Screening na inissue ng mga hospitals na designated ng Embassy.
Angola, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Cambodia, China, Congo, Ethiopia, India, Indonesia, Kazakhstan, Kenya, Kyrgyzstan, Laos, Malaysia, Moldova, Mongolia, Mozambique, Myanmar, Nepal, Nigeria, Pakistan, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, South Africa, Sri Lanka, Tajikistan, Thailand, Timor Leste, Ukraine, Uzbekistan, Vietnam, Zimbabwe.
** TB treatment history, Signs & Symptoms suggestive of TB, and Chest X-ray result are mandatory from Dec. 1, 2022 (Use attached format)
Ang pagsubmit ng Certificate of TB (tuberculosis) Screening ay hindi kinakailangan sa Diplomat(A-1), Official(A-2) at Agreement(A-3) visa types. Certificate of TB(tuberculosis) Screening ay hindi na rin irequire sa mga applicants ng visa types na magrequire ng medical certificate habang nag apply katulad ng Spouse of Korean(F-6) and Spouse of Resident in Korea (F-2-3).
Ang validity ng certificate ay tatlong (3) buwan
Children below 5 years old are exempted
Picture ng applicants ay dapat naka attach sa Certificate of TB (tuberculosis) Screening. Ang picture ay dapat mayroon stamp ng dry seal ng hospital o may pirma ng doctor-in-charge. Ang laboratory test result ay dapat isubmit kasama ng Certificate of TB(tuberculosis) Screening.
Kung ang resulta ng examination ay positive, ang visa application ay automatically denied.