02/12/2024
📣📣📣MULING NAGBABALIK!
📣 LIBRENG ASSESSMENT PARA SA ANAK NG INDIGENT, PULIS, AT TEACHER!
💭 Napapansin niyo ba ang anak ninyo na hirap mag-focus sa kanyang mga gawain o hindi kaya ay hyperactive? Hindi tumitingin tuwing tinatawag? Hirap makipag-usap sa mga batang ka-edad niya o sa mga matatanda? May kakaibang galaw? Hirap magbasa at magsulat?
🙋♀️Hinihikayat namin kayong dumalo sa aming LIBRENG ASSESSMENT sa ika-19 ng Disyembre, 2024 (Huwebes).
LIMITADO LAMANG ANG SLOTS❗️
HANGGANG IKA-15 NG DISYEMBRE 2024 NA LANG PO KAMI TATANGGAP NG MGA MAGPAPAREHISTRO.
FAQs
📍 Sino-sino ang mga makakukuha ng libreng slot para sa Occupational Therapy, Speech Therapy, at SPED Assessment?
⚪️ Mga anak ng tricycle driver, pedicab driver, konduktor, magsasaka, mangingisda, teacher, at pulis.
⚪️ Ang mga uunahing makakatanggap ng serbisyo ay ang mga magulang na sa Pilipinas nagta-trabaho.
📍 Ano-anong mga serbisyo ang maaaring makuha?
✅ Libreng Speech Therapy Assessment at
✅ Libreng Occupational Therapy Assessment
✅ Libreng SPED Assessment
📍 Ano ang mga kailangang gawin?
⚪️ I-message ang mga sumusunod na detalye sa page ng CHILD’s Village Therapy Center Mangaldan.
✅ Pangalan ng anak
✅ Edad ng bata
✅ Birthdate
✅ Pangalan ng tatay at nanay ng bata
✅ Trabaho ng tatay ng bata
✅ Trabaho ng nanay ng bata
✅ Saan nagta-trabaho ang mga magulang?
✅ Address / Tirahan
⚪️ Maghintay ng kumpirmasyon sa inyong slot sa loob ng 24 oras.
📍Saan gaganapin ang assessment?
⚪️ Sa CHILD’s Village Therapy Center (formerly Ultimate CHILD), Salay, Mangaldan, Pangasinan ang venue ng assessment. Maaari itong i-search sa google maps “CHILD’s Village Therapy Center Mangaldan”.