
16/03/2025
Pantyliners or napkins, safe pa ba?
Credits to Dr Ryan Lirazan
🩲 Tungkol sa Pantyliners, Sanitary Pads at iba pa! 🌸
👉🏼 Ang mga pantyliner at sanitary pads ay makakatulong sa pag-maintain ng kalinisan, ngunit ang matagal at hindi tamang paggamit ng mga ito ay maaring ikasama ng inyong pwerta. Ayon sa research, ang paggamit ng mga masikip at non-breathable products ay maaaring magdulot ng "moisture-trap" at bacterial build-up na sanhi ng impeksyon. Ang pagpili ng tamang pantyliner at pad ay mahalaga upang maiwasan ito.
Narito ang mga tips para sa tamang pagpili ng Pantyliner at Pads:
✅ Pumili ng breathable, cotton-based pantyliners (tingnan ang label)
✅ Palitan lamang ang pantyliner o pad pag ito ay puno na o kada 4-6 na oras
✅ Iwasan ang paggamit ng scented pads at pantyliners
✅ Gumamit ng hypoallergenic products lalo na kung ikaw ay may sensitive skin
👉🏼 Ang tamang pads at pantyliners ay nakakatulong sa maayos na vaginal health. Kung nakakaramdam ka ng discomfort o iritasyon, magpakonsulta sa pinakamalapit na urogynecologist para kayo ay makita at magamot.