27/11/2021
BUNTIS AT MAY COVID19? : PRACTICAL TIPS
Sa totoo po, puno ang mga ospital, at kami man ay hindi makapag-admit dahil dito. Alam ko din na tayo ay takot na mahawa at makahawa, lalo na ng mga mahal natin sa buhay. Kaya may mga practical tips ako na isishare sa inyo. Itong post na ito ay ang mga dapat ninyong gawin kung sa palagay niyo ay kayo ay:
✔1. May mga sintomas ng Covid 19 katulad ng lagnat, sinisipon, dry cough o ubong walang plema, sipon, walang panlasa o pang-amoy o kaya naman ay nagtatae.
✔2. Naexpose kayo sa Covid positive
☝TIP #1: Magself-quarantine na sa isang kwarto, at magsuot pa din ng mask sa bahay lalo na kung nasa iisang bubong kasama ng pamilya at kamag-anak.
☝TIP #2: Sabihan ang inyong OBGYN/midwife na may mga sintomas kayo o na-expose sa Covid positive. I-update sila sa mga sintomas at gamutan na gagawin kahit na makaquarantine.
☝TIP #3: Magpaschedule ng swab sa LGU o kaya naman sa mga laboratoryo. May mga naghohome service na RT PCR swab, pwede niyong mahanap sa internet. Ang resulta ay maaaring lumabas kinabukasan, o within 2 to 3 days. Habang naghihintay ng resulta ay mag-self quarantine. Presyo ay nasa 3 to 5 K, sa mga gobyerno ay libre o mababa kung may Philhealth.
☝TIP #4: Kung Covid positive na, sabihan ang kapamilya at ang Local health center at LGU o local government unit para sa quarantine arrangements at contact tracing.
☝TIP #5: Magrelax. Hindi end of the world. Obserbahan ang mga sumusunod:
✅1. Paghinga - magdeep breathing exercises sa loob ng quarantine room na may magandang ventilation, buksan lahat ang bintana. Makakatulong kung ikaw ay may PULSE OXIMETER (mura lang ito sa mga online stores) para bantayan ang Oxygen saturation - kung maayos ang inyong oxygen sa buong katawan, Dapat at mas mataas sa 95%. Pag mas mababa dito, sabihan ang inyong mga doktor agad-agad.
✅2. Bantayan ang galaw ni baby, lalo na kung nasa 3rd trimester ka na. Makakatulong ang FETAL DOPPLER upang marinig ang heart beat ni baby. Nasa 2 to 3K ang presyon nito sa mga online stores. Hindi ito masama na gamitin kay baby kahit na araw-araw o madalas.
✅3. Bantayan ang inyong vital signs - HINDI vital statistics ha! Ito ay ang inyong Blood Pressure (maaaring makabili ng DIGITAL BP Apparatus online nasa Php 600 to 700), tibok ng puso sa pamamagitan ng pagkapa ng pulso at bilang ng hininga. Kunin ang mga ito sa loob ng isang minuto araw-araw.
☝TIP #6: Kumain ng maayos, madaming gulay, karne at bawasan ang carbohydrates. Uminom ng tubig 2 liters sa isang araw, matulog ng 8 to 10 hours.
☝TIP #7: Maaaring uminom ng mga supplements katulad ng Vutamin C + Zinc, Vitamin D3, Vitamin E at Melatonin para makatulong sa over all performance ng immune system. Siguraduhin na naiinom ang ibang mga maintenance na gamot at prenatal na gamot.
☝TIP #8: Magmumog nang Betadine Gargle araw-araw.
☝TIP #9: Magdasal at siguraduhin na hindi makakahawa sa ibang mga kasama sa bahay lalo na sa mga may sakit at matatanda.
Majority naman ng Covid19 infection ay MILD, subalit hindi kase natin alam kung ano ang magiging epekto nito sa atin - tayo ba ay mapupunta sa MILD na infection o sa SEVERE o grabe na impeksyon?
Sa mga observational studies sa mga buntis na nagkaCOVID19, nakita na mas grabe ang sintomas ng Covid kaya kailangan ng ibayong pag-iingat na hindi mahawahan.
Stay at home, stay safe, Mommies. Magfacemask at social distancing. Maari niyo ring panoorin ang youtube tugkol sa Pagbubuntis at Covid19 vaccine.
https://youtu.be/TKYjg9MtZA4
- Doc Arbie