
29/04/2024
ibreng Konsultasyon at Operasyon para sa mga Kaso ng Kanser sa Bato, Pantog, at Prostate
Magandang araw sa lahat ng pasyente ng PGH Urology!
Iniimbitahan po namin kayo sa libreng konsultasyon para sa mga pasyenteng may mga kaso ng kanser sa bato, pantog, at prostate. Ito ay bahagi ng aming adbokasiya na magbigay ng agarang at maayos na serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.
Kung ikaw o may kakilalang mayroong mga sintomas o nais magpa-konsulta hinggil sa iyong kalusugan, huwag mag-atubiling imessage ang aming page at ilagay na heading kung kidney o bato, prostate o prostata, urinary bladder o pantog ang konsulta, kasama ang angkop na imaging (CT scan, ultrasound etc)
Samahan ninyo kami sa paglalakbay tungo sa mas maayos at masiglang kalusugan. Salamat po at magandang araw!